32

62 1 0
                                    

Gusto ko sana siyang biruin pero medyo nasa kama pa ang lipad ng utak ko. Napahikab ako.

“Antok pa ako, tulog kaya muna ako?”

Sumimangot si Dan.

“Isang araw na nga lang kita masosolo, matutulog ka pa.”

Pumasok siya bigla, nilapitan ako tapos kinurot ang tagiliran ko. Bigla tuloy akong nagising.

“Dan!” sigaw ko. Tumawa siya.

“Hihintayin kitang makapag-ayos. Sige naman na, Colleen. Alis na tayo para masulit ko ang oras mo.”

Hindi na ako nagprotesta. Umakyat ulit ako para makapag-ayos. Na-e-excite ako.

 ==

Dinala niya ako sa Robinson Imus. Nag-commute lang kami kasi ayaw daw niyang dalhin ang sasakyan niya. Minamalas daw siya kapag gamit iyon. Natutuwa ako kasi kung saan-saan niya ako nilibre.

“Hindi ba ako nag-aaway ni Arvin sa pagkain?” tanong niya.

“Bakit naman?”

“Eh kasi ang takaw mo talaga eh. Ubos na yata pera ni Arvin kakalibre lang sa ‘yo eh.”

Alam kong pang-aasar ‘yun pero natawa ako.

“Sorry naman. Ano ba gusto mo? Iluwa ko ‘yung mga libre mo s’akin?”

Tumawa ulit si Dan. “’Wag na. Kaya nga libre eh.”

“S’an naman tayo?” tanong ko.

“’Di pa tayo naglu-lunch ‘di ba?”

“’Di pa? ‘Di pa pala lunch ‘yung isang ng box pizza kanina.” sabi niya, sabay tawa.

“Eh, ikaw lang kaya ang kumain halos lahat!” protesta ko. Tumatawa siya, napapailing.

“Lunch na ba ‘yung pizza sa ‘yo? Gutom pa kaya ako!” dagdag ko.

“Sa akin? ‘Di pa lunch ‘yun. Eh sa ‘yo?” tanong niya.

“Siyempre, hindi!”

“Ano’ng tiyan meron ka? Kain construction ka lagi ah,”  nagpipigil pa siya ng tawa.

“S’an tayo kakain? Hiyang-hiya na ang Big Mac at Quarter Pounder sa ‘yo eh.” dagdag niya. Palagi niyang sinasampal sa mukha ko na mahilig ako sa Big Mac at Quarter Pounder. Kainis naman itong lalaking ito oh!

Napatingin ako sa isang kainan, open siya may mga table at maraming tao.

“Unli rice?” napatingin ako kay Dan. Ngumiti ako sa kanya.

“Mapapalaban tayo ng kain ah!”

Napatawa ako. Kinuha ni Dan ang kamay ko.

Magka-holding hands kami.

After tatlong round ng kanin, napa-dighay ako. Tumawa si Dan noong narinig ko. Bigla akong nahiya. Umiwas ako ng tingin.

“Hindi ka pa ba busog?” tanong ko kay Dan. Ni hindi pa siya dumidighay eh.

“Ikaw ang gusto kong tanungin niyan,”

“Dumighay ka na nga eh. Sorry, ha. Magpipigil nalang ako ng tawa. Ang cute mo kumain eh.” kumento niya.

Tinitigan ko nalang siya. Ang cute niya rin kasi nakikita ko ‘yung chinito eyes niya. Ang guwapo parin ni Dan kahit mas pumayat siya.

“Hindi tayo nakapag-date ng ganito noon. ‘Yung buong araw at matagal,” sabi ko.

“Oo nga eh. Busy kasi tayo noon eh.”

“Busy rin naman tayo ngayon… Pero, iba na eh.”

Nanahimik kami. Nagbuntong-hininga si Dan.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now