Engkanto 26

5.8K 191 6
                                    

Engkanto 26

Pagod na humilata agad sya sa sofa sa kanilang sala pagkapasok na pagkapasok nila sa kanilang mansion. Galing sila sa syudad upang ipasyal si Janus para naman kahit paano ay mag-enjoy ito sa pananatili nito sa mundo ng mga tao. Siya na mismo ang nagyaya sa kanyang mga kaibigan dahil balak yata ng mga ito ang magkulong na lang sa apat na sulok ng kanilang mansion.

Dalawang araw na ang nakakaraan mula ng muli silang magkasama ni Janus at masasabi nyang sa loob ng mga araw na iyon ay mas nakilala nila ang isa't-isa. Nalaman nyang takot ito sa aso. Isang beses kasi lumabas ito mag-isa sa gabi. Hindi nya alam kung bakit dahil nawala na sa isip nyang magtanong ng makita nyang hinahabol ito ng aso. Ayon dito, takot ito sa aso dahil hindi nakakaligtas ang mga Engkanto sa mga ito. Ang mga aso daw ang matinding kalaban ng mga Engkanto sa gabi dahil kahit saang anggulo ay nakikita ang mga ito ng mga aso.

Nagtatalo nga ang isip nya nun kung tatawa ba sya o maaawa dahil sa kalagayan ng binata ng panahong iyon. Habang ang kanyang mga kaibigan ay walang awang inasar si Janus nang mahimasmasan ito. Talagang wala sa isip ng mga ito ang simpatya dahil hindi man lang napansin ng mga ito na bahagya pang nanginig si Janus. Hindi nya mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip iyon. Para kasi itong bata.

"Nye, para ka talagang tanga Indie. Ngumingiti ng walang dahilan."

Napatigil sya sa kanyang mga iniisip ng bigla na lang syang sawayin ni Rhian. Inirapan nya lang ito at umayos ng upo sa sofa. Nang lingunin nya si Janus ay napangiti na naman sya ng makitang para itong bata habang binubuksan ang mga paperbag na dala nila galing sa syudad. Nagshopping kasi sila doon at binilhan si Janus ng mga bagong damit. Noong una ay umangal pa ito dahil hindi na daw nito kailangang magpalit ng damit ngunit hindi sila pumayag ng kanyang mga kaibigan lalo na si Nadine na sinabihan nitong kapag daw hindi pumayag si Janus ay maghahanap daw sya ng ibang lalaki. Kaya dali-daling sinukat ni Janus ang kanilang piniling mga damit para dito. Aaminin nyang kinilig sya sa kaalamang ayaw ni Janus na mapunta sya sa iba. Nitong mga araw na kasama nya ito ay puro kilig na lang ang kanyang nararamdaman. Sana lang hindi puro sakit ang maging kaakibat ng kasayahang kanyang naradama.

"Wag ka nang magtaka, Yan. Inspired by Janus eh. Di ba Janus?" anito at binalingan ang walang kamalay-malay na si Janus na abala pa rin sa pagbusisi ng mga nilalaman ng paperbags. "Oy Janus, kinakausap kita." naniningkit ang mga matang baling nito kay Janus. Tila natauhan naman ang binata at bigla na lang sumgot ng 'Oo' at nagkamot pa ng ulo. She can't help but to smile because she finds it cute.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now