Engkanto 5

9.5K 278 2
                                    

"TALAGAAAAAAA?" kilig na kilig pa na sambit nina Rhian at Nadine.




Kahit ayaw nya sana, di nya rin napigil ang kanyang sarili nya ikwento sa mga ito ang nangyari sa kanya kaninang umaga. Talagang di nya kayang magtago ng kahit na anong sekreto sa mga ito.




"Waaaaa! Ang haba ng hair mo, day!" patiling sabi ni Nadine sabay padyak ng paa.




"Oo nga Indie. Magkaka-lovelife ka na ata." ngiti-ngiti namang sabi ni Rhian sa kanya.




Nakukunsuming tinignan nya ang mga ito. Ni hindi pa nga nila alam kung mabuti ba ang intensyon ng taong nagmamasid sa kanya kanina o masama. Isa pa, baka hindi naman talaga yun sa kanya nakatingin. Baka nagfi-feeling lang sya.




Nakasimangot na nagsalita sya. "Lovelife, lovelife pa kayong nalalaman jan. Baka nga di sakin nakatingin yun eh."




Inirapan sya ni Nadine. "Ay naku, denial queen ka beybi!"




Mas lalo syang napasimangot sa sinabi nito na ikinatawa lang ni Rhian. Di nya talaga alam kung sino ba ang kakampi nya sa mga ito.




"Ewan ko sayo." ang tanging nasabi nya lang sabay subo ng kanyang burger.



Kasalukuyan silang nakaupo habang nasa loob ng canteen. Tapos na kasi ang kanilang klase at nagpapasalamat sya na wala pa ang proffesor pagkapasok nila sa room. Ayaw nya kasi talagang nahuhuli sa klase na kabaligtaran naman ng kaibigan nyang si Nadine. Ito kasi ang masasabi nyang pinakatamad sa kanilang tatlo.





Napakurap sya ng may palad na nakawagayway sa harap ng kanyang mata. Tinignan nya ng masama si Rhian na nagpeace sign lang at itinuro si Nadine na nagkukunwari pang walang alam sa nangyayari.





Pinalo nya ang kamay nito dahilan para ito'y mapaigtad.





Pinandilatan nya ito. "Kunwari ka pa ha."




"Lutang ka kasi ulit, girl. I know na si mysterious guy ang iniisip mo." nanunudyo pa ang titig nito sa kanya.




"Ang kulit din ng lahi mo, no? Di ba nga di ako sigurado na ako nga yung tinititigan nun?"




"Malay mo ikaw yun." pagpapatuloy ni Rhian.



Napaungol sya sa inis. Hindi nya talaga alam kung alin sa mga sinabi nya ang hindi naintindihan ng mga ito.




"Pag kinulit nyo pa ako, di ako magpapakopya mamaya."




Nanlaki ang mga mata ni Nadine habang napangisi lang si Rhian.




"Indie, kaibigan kong beautiful wala namang ganyanan. Di ba ang friends nagtutulungan at nagkokoyahan?" painosente pa nitong sabi at nagpapaawang tinignan sya.



Napailing sya habang nakangiti. Alam nya kasi na di ito nag-aral kaya biglang naging parang maamong tuta. Sa ganitong paraan nila napag-tr-tripan si Nadine. Di kasi ito nag-aaral lalo na pag ito ay tinatamad. Wala naman syang problema kay Rhian dahil masipag itong mag-aral.




"Ibang usapan nun pag sa klase Din. Walang kai-kaibigan." natatawang sabi pa ni Rhian.



Mas lalo itong napasimangot. Ang sarap talaga nitong pagtripan.




Hinawakan pa nito ang kamay nila no Rhian. "Sige, ilaglag nyo ko para mamayang gabi dadalawin kayo ng Engkanto, kapre, duwende at kung anu-ano pang nilalang."




Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now