Special Chapter 3

6.8K 322 41
                                    

Special Chapter 3

"Binibinyagan kita, Chris Jarielle Villafuerte. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen."

Matapos ang naganap na binyag ay agad na silang dumiretso sa kanilang bahay para sa inihandang konting salo-salo kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anakan.

"Janus, pakiabot nga ng lampin ni baby Jarie."

Agad namang siyang tumalima sa utos ng kanyang asawa.

Napangiti sya ng mapagmasdan ang anak na natutulog sa mga bisig ni Indira habang marahan nitong idinuduyan.

Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng manganak si Indira. At sa loob ng tatlong buwang iyon ay punung-puno sila ng kasiyahan lalo pa't nakakasama na nila ang kanilang munting anghel na siyam na buwan din niyang pinanabikan.

Natatawa na lamang sya sa tuwing naaalala ang tagpong iyon sa hospital ng dumating ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan ng tawagan n'ya ang mga ito upang ipaalam na nanganak na si Indira.

"Ako ang unang hahawak sa apo ko kasi babae ako," deklara pa ng mama Rena n'ya.

Nakita n'ya ang pagkunot ng noo ng Daddy ni Indira. Bago pa makuha ng Mama n'ya si baby Jarie mula sa mga bisig n'ya ay inunahan na ito ni Papa Alfonso.

"Naunahan na kita, Renalita. Pasensya na, sabik na sabik na ako sa aking apo." Natatawang saad nito.

Nakita n'ya ang pag-irap ng kanyang Mama.

"Pagbibigyan kita ngayon, kumpadre. Naku, kung hindi nga lang ako masaya sa nangyayari ngayon, palalabasin na kita dito."

Napailing na lang ang ama ni Indira at hinalikan ang noo ng kanyang natutulog na anak.

Nilapitan naman n'ya si Indira na payapang natutulog sa kama. Kung hindi n'ya pa kinuha mula dito ang bata ay hindi ito magpapahinga.

Gusto daw kasi nitong alagaan ang kanilang anak. Nakangiting hinaplos n'ya ang pisngi ng babaeng pinakamamahal n'ya.

Hanggang sa puntong ito ay naluluha pa rin s'ya sa tuwing naiisip n'ya ang lahat ng magagandang alaalang pinagsamahan nila. Hindi n'ya alam kung anong klaseng kabutihan ang kanyang nagawa at biniyayaan s'ya ng Panginoon ng isang masayang pamilya.

Araw-araw s'yang nagpapasalamat sa Kanya sa tuwing nakakagisnan n'ya si Indira sa kanyang tabi tuwing umaga na nakapaloob sa kanyang mga bisig.

Mahal na mahal n'ya ito. Mas lalo pa ngang lumalim ang kanyang nararamdaman para sa asawa sa araw-araw na ginawa ng Diyos na sila ay magkasama.

Napakaswerte n'ya dahil nasa kanya na lahat ng kailangan n'ya upang makumpleto ang buhay na gusto n'ya.

Pinahid n'ya ang mga luhang tumakas at binalingan ang ama ni Indira na tumapik sa kanyang balikat.

"Thank you for making my princess happy, Janus. Thank you for loving and taking care of her."

Tumango s'ya at nginitian ito.

"Ako nga po ang dapat magpasalamat, Papa dahil kahit alam n'yo kung ano ako dati, hinayaan n'yo pa rin akong makasama ang anak n'yo." Bahagya n'yang nilingon si Indira at kinuha ang kamay nito at ginawaran ng mabining halik.

"You deserved to be happy, son." Anito at muling tinapik ang kanyang balikat.

Pareho silang napatingin sa pintuan ng bigla na lang itong kumalabog.

Iniluwa niyon sina Rhian at Nadine na hingal na hingal.

"HELLOOOO!"

Napailing na lang si Papa Alfonso nang agad na pinag-agawan ng dalawa ang anak n'ya.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now