Engkanto 36

5K 186 16
                                    

Engkanto 36

"Saan sila nagpunta?" hinihingal na tanong nya kay Atlas.

Kasalukuyan silang nasa isang tagong parte sa paanan  ng palasyo upang magtago mula sa mga kawal na itim na Engkanto. Kanina pa sila tumatakbo at mabuti na lang at nakakita si Atlas ng mapagkukublian nila.

"Pumunta sila sa bandang kaliwa." anito na hindi pa rin tumitingin sa kanya at nakabantay lang kung sakaling may magawi roong kawal.

Nakahinga sya ng maluwag sa sinabi nito. Mabuti na lamang at hindi sila naabutan ng mga ito kundi lagot na talaga sila. Ayun kasi kay Atlas, sa oras na may nahuli ang mga ito at ginawang bihag ay papahirapan ng paulit-ulit. Hindi nya maiwasang  mabahala sa sinabi ng kasama nya. Paano kaya si Janus? Ganun din kaya ang ginawa ng mga itim na Engkanto dito?

Wag naman sana. Sana naman kahit paano ay may katiting pang konsensya ang natitira kay Lysithea. Humanda talaga ang babaeng yun sa oras na magtagpong muli ang kanilang landas. Muntik na nya itong mapatay nitong huli nilang pagkikita kaya sana ay  natauhan na ito at hindi na sya muling gagalitin. Hindi nya alam kung bakit hindi nya makontrol ang kanyang sarili ng panahong iyo. Marahil ay dahil iyon sa galit na kanyang nararamdaman na hindi naman talaga dapat pairalin sa ganung sitwasyon. Mabuti na lang at dumating si Atlas kaya napigilan sya kung hindi ay  mas lalo lamang lalaki ang gulo sa pagitan nila ng mga Engkanto. Mas lalong hindi huhupa ang mga nararanasan nyang kakaiba at  marahil din ay hindi na nya matatamasang muli ang mamuhay ng normal.

Napatigil sya sa pag-iisip ng makarinig sya ng kung anong tunog. Nakakunot noong binalingan sya ni Atlas. "Narinig mo ba iyon?" anito.

Marahan syang tumango. "O-oo."

Narinig nyang mahina itong napamura. Nagulat sya. Nagmumura din pala ang mga Engkanto?

"A-ah, pasensya na sa inakto ko. Naririnig ko lang iyon sa mga kauri mo sa tuwing nagagalit sila." tila napapahiyang sabi pa nito sa kanya.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now