Engkanto 6

8.3K 341 12
                                    

Hindi makapaniwala si Indira sa kanyang nakikita ngayon. Talagang sinundan pa sya ng lalaking nagmamasid sa kanya kanina.


"Ihinto mo po ang kotse!" halos pasigaw na nyang sabi.

Agad naman itong itinigil ni Mang Tony. Dali-dali syang umibis mula sa sasakyan. Naririnig pa nya na tinanong sya ng kanyang ama kung ano ang problema ngunit di na sya nag-abala pang sagutin ito.

Sa ngayon, isa lang ang gusto nyang mangyari. At iyon ay ang makausap ang lalaking nagbibigay s kanya ng samot-saring palaisipan.


Nang makalabas sya ay agad nyang nakita ang pagtalikod nito at paglakad patungo sa loob ng gubat.


"SANDALI LANG!" sigaw nya habang hinahabol ito.


"Princess! What are you doing there?" narinig nyang sabi ng kanyang ama.

Nilingon nya ito. "Wait, dad susundan ko----"

Napatigil sya s pagsasalita at paglalakad ng mawala na naman sa kanyang paningin ang misteryosong lalaki. Nanigas sya sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam nya ay pinagpapawisan sya ng malamig.


Paanong nawala sya?


Yun ang tanong na naging tanging laman ng kanyang isip hanggang sila ay nakarating sa kanilang bahay.

.

Inulan pa sya ng tanong ng kanyang ama at ni Mang Tony kung ano daw abg nangyari sa kanya. Pero ang tanging isinagot nya ay akala nya naiihi sya kaya naisipan nyang sa gubat na lang sya maihi dahil di na kaya ng kanyang pantog.



Lihim nyang pinagalitan ang sarili dahil sa walang kwentang rason na kanyang isinagot sa mga ito. Kahit kita sa mga mata ng kanyang ama ang pagtataka ay di na nya iyon pa binigyang-pansin.



Napabaling sya sa kabilang gilid ng kanyang kama.



Pagkatapos ng misteryosong araw ay hindi nya magawang makatulog agad. Nagbabalik-balik kasi sa kanyang isipan ang misteryosong lalaki.



Ano kaya ang kailangan nya sakin?



Napuno na ng tanong ang kanyang isipan ngunit kahit isa man lang sa mga iyon ay di nya alam kung paano at saan makukuha ang mga sagot niyon.


Pilit ntng ipinikit ang kanyang mga mata upang matulog na ngunit kagaya kanina ay bigo pa rin sya. Kaya naman nagpasya syang bumangon sa kanyang kama at bumaba para uminom ng tubig.




Nasa hagdan na sya nang may maamoy sya.



Napakabango niyon. Hindi nya maipaliwanag kung anong klaseng halimuyak iyon.



Wala namang gumagamit ng ganito ka bangong perfume dito.



Ngayon nya lang naman kasi naamoy iyon. Sinundan nya kung saan nagmumula ito hanggang sa dinala sya ng kanyang mga paa sa kanilang kusina.



Nakakapagtakang biglang nawala ang napakabangong amoy nang makarating sya dun.



Ipinilig nya ang kanyang ulo.




Hindi totoo yung naamoy ko.



Yan ang isinisiksik nya sa kanyang isipan ngunit maging sya ay hindi magawang makumbinsi. Bigla syang kinabahan.




Pakiramdam nya kasi ay hindi sya nag-iisa ng mga sandaling iyon. Na may kasama syang iba ngunit di nya nakikita.




Nanuyo ang kanyang lalamunan kaya naman ay dali-dali nyang binuksan ang ref at kumuha ng tubig para uminom. Nakakadalawang baso na sya ng bigla na lamang nyang naramdaman na tila hinihipan ang kanyang batok.



Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن