Engkanto 11

7.4K 253 4
                                    

"Dad, remember what the doctor said." pagpapaalala niya sa kanyang ama.

Tumawa naman ito bago pinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos. "Yes, princess. Di ko nakakalimutan.

"Good." nakacross arms pa nyang sagot dito.

Tatlong araw na ang nakakaraan simula nang makalabas ito ng hospital. Ngayong araw na ito ay papasok na ito sa munisipyo upang gampanang muli ang tungkulin nito bilang Mayor. Ayaw nga sana muna nyang payagan itong magtrabaho ngayon pero mapilit ito. Baka raw nakatambak na ang trabaho nito.

Napabuntong hininga na lang sya sa sinabing iyon ng kanyang ama. Hindi talaga ito nagpapaawat kung trabaho na ang pag-uusapan. Kung pwede nga lang nya itong tulungan pero ang sabi nito ay basta't magpakabait lang daw sya at alagaan ito ay sapat na iyon. Napangiti na lang sya sa binitawang salita ng kanyang ama. Naglalambing kasi iyon sa kanya pag ganun ang sinasabi. Kaya naman, paulit-ulit nya itong pinapaalahanan na wag masyadong pagpapagod at kumain sa tamang oras.

Napabalik sya sa kasalukuyan nang halikan sya ng kanyang ama sa ulo. "I'm going, princess." sabi nito habang inaayos ang laman ng attache case nito.

Niyakap nya ito sa beywang. "Take care, dad."

Hinatid nya ito sa kanilang pinto. At kinawayan nya pa ito habang papalabas ang kotseng sinasakyan nito sa kanilang gate.

Nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse ay bumalik na sya sa kanyang kwarto upang ipagpatuloy ang pagreresearch nya sa kantang kanyang narinig nung araw na naospital ang kanyang ama. Pero bigo syang malaman ang title niyon dahil di nya naman kabisado ang lyrics niyon. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nya pa iyon pinagkakaabalahan pero parang mayroon kasing nag-uudyok sa kanyang alamin ang tungkol sa kantang iyon. Isa pa, masyado syang natutuwa kapag naaalala ang boses ng taong kumanta niyon.

Hindi nga nya maiwasang panindigan ng balahibo. Wala naman kasing ibang tao sa silid na iyon nung mga oras na iyon. Naisip din nya na baka sa kabilang kwarto nagmumula ang boses pero di nya din naman maipagkakaila na talagang may bumulong sa kanyang tenga.

Ipinilig nya ang kanyang ulo. Kung anu-ano pa tuloy ang naiisip nya. Nasa bahay lang sya dahil wala naman silang klase. Holiday kasi. Wala naman sya sa mood na gumala kaya pinili nya na lang ang manatili sa bahay. Baka nga pagod rin ang mga kaibigan nya kaya di sya kinukulit ng mga ito.

Nang napagod na sya sa pag-br-browse sa internet, niligpit na nya ang kanyang laptop. Matutulog na lang sya. Napuyat kasi sya sa panonood ng Hollywood Movies.

Akmang hihiga na sya sa kanyang kama nang may mapansin sya.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now