Engkanto 10

7.9K 215 4
                                    

*pak*

Iyon agad ang isinalubong sa kanya ng kanyang ama pagdating pa lang nya sa pintuan ng kanilang palasyo. Napabaling sya sa kaliwa habang sapo-sapo ang pisnging sinapak ng kanyang ama. Kagagaling nya lang sa mundo ng mga tao upang bantayan ang babaeng kanyang minamahal. Ang akala nya ay uuwi syang nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang labi ngunit nagkamali sya. Nabulilyaso na yata ng kanyang ama ang pinaggagawa nya.

"Ilang beses ko bang dapat ipaalala sayo na hindi ka dapat naglalagi sa mundo ng mga tao?" bulyaw nito sa kanya.

Napayuko lang sya. Kahit ganito ang trato sa kanya ng kanyang ama ay pinipilit nyang wag itong labanan, para na rin hindi masaktan ang damdamin ng kanyang ina.

Kinwelyuhan sya nito. "Sumagot ka!"

"Ganymede! Anong kaguluhan ito?" anang kanyang ina. 

Dali-dali itong lumapit sa kanila at inilayo sya sa kanyang ama. Agad sya nitong niyakap ng mahigpit. Tanging ang kanyang ina lang ang kanyang kakampi pagdating sa kanyang ama. At ito lang din ang kinatatakutan nyang magalit sa kanya.

Tinignan ito ng masama ng kanyang ama. "Sige Elara, kunsintihin mo ang pariwara mong anak! Wala na yang ibang ginawa kundi ang painitin ang ulo ko!" sigaw ng kanyang ama sabay talikod at iniwan sila.

Marahang hinaplos ng kanyang ina ang kanyang buhok. "Ano na naman ba ang ginawa mo mahal na prinsipe?" malumanay na tanong nito sa kanya.

Hinarap nya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Masama bang gawin ko ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin, ina?"

Umiling ang kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi nito. "Hindi, anak. Pero hindi ka isang ordinaryong Engkanto. Lagi mong tatandaan na ipinanganak na ka may dugong bughaw. Balang-araw ay ikaw na ang mamumuno sa ating kaharian." 

"Hindi ko po kaya, ina."

Napabitaw ito sa kanya at naningkit ang mga matang tinitigan sya. "A-anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong hininga sya bago sumagot. "Hindi ko kayang gampanan ang pagiging prinsipe ko, ina."

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now