Engkanto 21

5.9K 175 3
                                    

Nagising sya dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa kanyang bintana na tumatama rin sa kanyang mukha. Kahit na inaantok pa ay pinilit nyang bumangon. Ngunit, agad din syang napabalik sa pagkakahiga dahil sa di maipaliwanag na bigat ng kanyang katawan. 

Napabuntong hininga na lamang sya habang nakatitig sa kisame ng kanyang silid. Iniisip kung anong mangyayari sa panibagong araw na ibinigay sa kanya ng Diyos. Kung magiging maayos na ba ang lahat o patuloy pa rin syang maguguluhan.

Napatingin sya sa pinto ng may kumatok doon. "Pasok po." aniya at muling ibinalik ang tingin sa kisame. 

"Ang aga mo yatang nagising, hija." nakangiting sabi sa kanya ng kanyang Nana Mira.

Hindi lumilingon na sinagot nya ito. "Bukas po kasi yung kurtina kaya nasinagan ako ng araw, Nana." aniya. Ayaw nya kasing nasisinagan ng araw habang natutulog kaya siguro madali na lang syang nagigising kapag nakabukas ang kurtina ng kanyang bintana sa silid.

"Pasensya na, hija. Utos kasi ng iyong ama na gisingin ka ng maaga. Palagi ka na lang kasing nagmumukmok dito sa kwarto mo." anito bago umupo sa kanyang gilid.

Nakaramdam sya ng kirot at bahagya syang napangiwi. "P-pasensya na po. Wala po kasi akong gana na lumabas ng bahay... Isa pa.." aniya sa pumipiyok na boses. Hindi nya kayang alalahanin ang naging tampuhan nila ng mga kaibigan.

Narinig nya ang buntong hininga nito. "Alam kong may problema ka, Indira. Kung kaya mo nang ibahagi iyan, nandito lang ako. Ang tanging alam ko lang ay may hindi kayo napagkaunawaan ng mga kaibigan mo."

Gulat na napatingin sya dito." Paanong---"

Ngumiti ito at marahang tinapik ang kanyang pisngi. "Ako ang nasa tabi mo habang lumalaki ka, hija. Alam ko kung kailan ka may dinaramdam o wala. Nagmumukmok ka lang naman kung may tampuhan kayo ng mga kaibigan mo.. oh, baka naman may iba pang dahilan?" may halong panunukso ang boses nito.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon