Engkanto 7

8.3K 265 4
                                    

"I'm OverBORED, and I need more food. Let me eaaaat!" pag-iiba ni Nadine ng lyrics ng kanta ni Justin Bieber na Overboard.

"Tsk! Tumahimik ka nga Din, kakakain mo lang eh." pagsermon ni Rhian dito.

Umirap lang ito. "Whateves."

Nakaupo sila ngayon sa isa sa mga bench na nasa kanilang school grounds. Nag-so-sound trip si Nadine habang nagbabasa naman ng libro si Rhian. At sya naman ay nakatanaw lang sa harap nila. Wala kasi syang naisip na gawin kaya nabobored na rin sya. Vacant kasi nila ngayon at wala silang planong gumala kaya napagpasyahan nilang hindi na lang umalis sa paaralan.

"Gutom na ako." sabi nya sa mga ito.

No reaction lang si Rhian pero si Nadine ay tinanggal pa ang earphone na nakakabit sa tenga nito at pumalakpak. "Yay! Libre, mamen." nangingislap pa ang mga matang sabi nito.

Talagang napapalakpak pati ang tenga nito pag libre na ang pag-uusapan. Napakatakaw nito pero hindi naman tumataba.

"May sinabi ba akong manlilibre ako?" nakataas ang isang kilay na saad nya.

Ngumuso ito. "Damot damot mo na ah. Sige na Indie." 

Napabuntong-hininga sya. Alam nya namang di ito gagasta dahil napakakuripot nito. Maliban na lang siguro kung ang mga mga bagay na interesado ito ang pag-uusapan. Daig pa sya nito sa pagiging gastador.

"Ok, fine!" pagsuko nya.

Di kasi sya nito titigilan hangga't di sya pumapayag. Agad namang nabaling ang atensyon nila kay Rhian nang pabagsak nitong inilagay ang libro sa kandungan nito. 

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now