Engkanto 34

5.1K 173 14
                                    

Engkanto 34

"Kumusta na po ang pakiramdam nyo, manong?" malumanay na tanong nya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Okay na po ako, ma'am. Salamat po sa pagdalaw." anito.

Napatango sya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi ito napuruhan masyado. Labis syang nag-alala nang malaman nyang nabugbog daw ito. Lalo na ng mapag-alaman nyang hindi ordinaryong tao ang lumapastangan dito. Ayon kasi dito, bigla na lang nasira ang makina ng bus na minamaneho nito kaya't bumaba sila. Nang iwanan naman nila ito ay bigla na lamang daw may sumulpot na tatlong nakaitim na lalaki at pinagtulungan itong bugbugin. Hindi rin daw nito maalala na sinabihan sila nito na mauna na sa resort na kanilang pupuntahan.

Binundol sya ng kaba ng marinig iyon mula mismo sa bibig ng driver. Kung ganun, maaaring hindi ito ang kanyang nakausap at ang pumatid sa kanya. Kundi isang itim na Engkanto! Ano't nanggugulo na naman ang mga ito? May kailangan pa ba ang mga ito sa kanya kaya hanggang ngayon ay patuloy syang ginagambala ng mga ito?

Ngunit labis na ang ginagawa ng mga ito. Kung dati ay sya lamang ang pinupunterya ng mga ito, ngayon ay maging ang mga taong malapit sa kanya. Nabalitaan nya rin kasi na tatlo sa kanyang mga kaklase ang tinamaan ng lagnat dahilan upang hindi nakapasok ang mga ito sa paaralan kinabukasan matapos ang kanyang kaarawan. She was frustrated! Nag-aalala sya sa kalagayan ng mga ito. Gustuhin man nyang dumalaw ay pinili na lamang nyang ipaabot ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga kaibigan na syang pumunta sa bahay ng mga nagkasakit. Ayun sa kanyang ama, mas mabuti na daw na wag muna syang maglalabas ng bahay lalo na ngayong sunud-sunod na ang mga kababalaghang nangyayari. Sigurado naman kasi sila na kagagawan rin ng mga itim na Engkanto ang nangyari sa kanyang mga kaklase.

Hindi nya mawari kung bakit ganun na lamang ang ginawa ng mga ito. Hawak na ng mga ito si Janus at kahit na anong oras gustuhin ng mga ito ay maaaring ipakasal si Janus at Lysithea.

Naramdaman naman nya ang pamilyar na sakit sa kanyang dibdib. Sakit na dulot ng kanyang pangungulila kay Janus. Napabuntong hininga na lang sya. Wala syang alam kung paano makikita itong muli. Hanggang ngayon kasi ay hinihintay pa rin nila ang sinabi ni Tata Manding na Engkantong di umano'y tutulong sa kanila sa kanyang misyong iligtas ang kanyang ina, si Janus at maging ang buong kaharian ng mga puting Engkanto mula sa kamay ng mga itim na Engkanto na ngayon ay nagsisimula ng maghasik ng lagim.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now