Engkanto 3

11.6K 327 7
                                    

"Class Dismissed."

Ang sinabi ng prof ay hudyat yun upang lumabas na ang mga estudyante sa silid kasama na doon si Indira at ang kanyang mga kaibigan.

"Buti naman at awasan na. Nakakaloka ang College Algebra." reklamo ni Nadine habang naglalakad sila palabas ng University.

Magkaklase silang tatlo at pareho din sila ng kinuhang kurso, Psychology. Gustung-gusto nya ang kursong ito dahil gusto nyang makatulong sa mga taong nakakaranas ng depression. Ang dalawa nya namang kaibigan ay ganun din. Talagang sabay sila nagpapa-enrol para makakuha sila ng paehong schedule. Ayaw kasi nilang mahiwalay sa isa't-isa. Ngayon ay nasa ikalawang taon na sila sa kolehiyo. Sila ay nag-aaral sa Marymount University na nasa kanilang bayan lang. Ayaw din kasi ng kanyang mga kaibigan ang mapalayo sa pamilya nito upang mag-aral sa syudad. Isa pa, maganda rin naman ang reputasyon ng kanilang paaralan at ang standard ng pagtuturo.

"Di ka kasi nakikinig eh, kaya nahihirapan pa." sagot ni Rhian.

"Hmp! Palibhasa matalino ka. Edi, ikaw na."

Tinawanan lang nila ang reaksyon ni Nadine. Ganun lang talaga ito pero wala namang nangyayaring inggitan sa pagitan nila. Agad naman kasi nilang ipinagtatapat sa isa't-isa kapag mayroon silang di nagustuhan sa sinuman sa kanila. Ayaw kasi nila ng nag-pa-plastikan.

"Bye Indie." sabay-sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan ng nasa gate na sila.

"Bye din. See you tomorrow." nginitian nya ang mga ito at nagbeso-beso.

Di kasi sila parehas ng daan patungo sa kani-kanilang bahay. Si Rhian at Nadine ay maghihiwalay din ng landas pagdating sa kabilang kanto. Siya naman ay medyo malapit lang. Gusto nga ng kanyang ama na ipasundo sya sa kanilang driver pero sya na mismo ang umayaw. Hindi nya kasi gusto ang makaagaw ng pansin sa iba, sapat nang alam ng mga ito na sya ang anak ng Mayor. At tsaka, gusto nya din ang maglakad-lakad.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now