Engkanto 40

5.9K 181 9
                                    

Engkanto 40

"J-Janus?"

Iyon ang salitang namutawi sa kanyang bibig. Hindi nya maipaliwanag kung anong klaseng kaligayahan ang kanyang nararamdaman ngayon. Si Janus itong nasa kanyang harapan! Nagbalik na ito.

Wala syang pinalampas na pagkakataon at sinunggaban na nya ito ng yakap. Yakap na napakahigpit. "J-Janus.." nausal nya. Naramdaman nya ang nag-uunahang pagtulo ng kanyang mga luha. Napakasaya nya!

Kumalas ito sa kanya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito sa mga awtoridad. Natawa pa ito. "Woah! I'm sorry Miss but I'm Jonas and not Janus." anito.

Napapahiyang nag-iwas sya ng tingin. Pakiramdam nya ay namumula ang kanyang buong mukha. Nakakahiya ka, Indira.

"A-ah.. p-pasensya na. A-Akala ko kasi ikaw yung kakilala ko." aniya at pilit na ngumiti.

Ngumiti lang ito at nagkibit-balikat. "No problem. I bet this Janus guy is special to you." sabi pa nito.

Marahan syang tumango. "Y-Yeah."

Maya-maya pa'y nagpaalam na itong papasok sa mall. Susunduin daw kasi nito ang nobya nito. Mas lalo syang nahiya sa kanyang ginawa kanina ng mapag-alamang may nobya na ito. Ilang beses pa sya humingi ng despensa sa kanyang ginawa at mabuti na lang at naiintindihan sya nito. Natawa pa nga ito sa kanya dahil sa paulit-ulit nyang paghingi ng paumanhin. Mabuti na lang at walang masyadong nakapansin sa kanila kanina.

Iling-iling na naglakad sya kahit paika-ika. Sabi pa nga ni Jonas ay pwede naman daw sya nitong ihatid sa unibersidad pero sya na mismo ang tumanggi. Mas nakakahiya iyon at isa pa, hindi nya pa ito gaanong kakilala kaya hindi sya kampante. Bahala na lang na ma late sya at least makakasiguro syang hindi sya madadapa. Tsaka na lang nya iisipin ang magiging kaltas sa sweldo nya kapag nahuli sya ng dating sa itinakdang oras ng kanyang trabaho.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now