Engkanto 18

6.1K 260 25
                                    

Nakatulala lang sya sa kawalan habang nakaupo sa isang malaking bato sa harap ng ilog at iniisip ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Hindi nya mawari kung bakit napakahirap ng sitwasyong kanyang kinalalagyan sa mga oras na iyon. Nagtatalo ang kanyang damdamin kung ano nga ba ang tamang desisyong kanyang pipiliin.

Napabuntong hininga sya. Masyado na syang naguguluhan pero pilit nyang hinahanapan ng mga kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa kanya. Hindi nya maiwasang panghinaan ng loob matapos nyang makausap ang kanyang inang Reyna.

"Ano itong naririnig ko mula kay Prinsesa Lysithea, Janus?" bakas ang galit sa mukha ng kanyang ina.

Sinasabi na nga ba nya na magsusumbong ang prinsesa ng mga Engkanto kahit na pinaliwanag nyang mabuti dito na tutol sya sa kung ano mang plano ng kani-kanilang magulang para sa kanila.

"Ano ang iyong ibig sabihin, ina?"

Matalim sya nitong tinitigan. "Tama nga ang iyong ama. Wala ka nang ginawang mabuti para sa ating kaharian. Walang mahalaga sayo kundi ang iyong sariling kapakanan at kaligayahan!" bulyaw nito sa kanya.

Napatigil sya sa sinabi nito. Tila tumagos iyon sa kanyang puso. Talaga bang makasarili sya? Nagmahal lang naman sya at gusto nya lang makasama ang babaeng kanyang itinatangi. Pero, iba na pala ang kahulugan nito para sa iba. Mas masakit lang isipin na sa kanyang ina mismo nanggagaling ang mga masasakit na salita.

Hinawakan nya ang mga kamay nito pero nagpumiglas ito. Puno ng hinanakit at galit ang mga mata nito kaya nag-iwas sya ng tingin. Hindi nya kayang maging ang kanyang ina ay magiging tutol sa kanyang kasiyahan.

"Intindihin mo sana ako, ina. Gusto ko lang namang maging masaya. Ayokong matali sa babaeng kailanman ay hindi ko magagawang mahalin." pagsusumamo nya pa.

Nabigla sya sa sunod na ginawa nito. Natagpuan na lamang nya ang kanyang sariling nakahawak sa kanyang pisngi at gulat na tinignan ang kanyang ina na ngayon ay nagpupuyos ng galit.

Sinampal sya nito!

Sa unang pagkakataon, nagawa nitong pagbuhatan sya ng kamay.

"Bakit ina?" puno ng hinanakit na tanong nya dito. Napansin nyang lumuluha ito pati na rin sya.

Napatiim-bagang ito. "Kailangan mong magtanda, Janus. Sa oras na matuklasan ko ang iyong pinakatatagong lihim, magdudusa ka hangga't hindi ka pumapayag sa gusto naming manyari ng iyong ama!" iyon ang huli nitong sinabi bago sya nito tinalikuran.

Hindi nya akalaing ang kanyang ina pa ang magbabanta sa kanyang ng ganun. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na kaya sya nitong pagbuhatan ng kamay. Mas kampi pala ito sa kanyang ama kaysa sa kanya na sariling dugo't laman nito. Masakit iyon para sa kanya. Pakiramdam nya ay pinagkakaisahan sya.

Napatigil sya sa pagmumuni-muni ng maramdaman nyang may marahang tumapik sa kanyang balikat. Nilingon nya ito at nginitian. Hindi pa pala sya nag-iisa dahil alam nyang kahit paano ay may natitira pa rin syang kakampi sa kanilang kaharian.

Si Atlas.

"Malungkot ka ata, Janus." sabi nito bago umupo sa kanyang tabi.

Napailing na lamang sya. Alam nyang alam nito ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang ina. "Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa kanila, Atlas." parang batang sumbong nya dito.

"Para sa kapakanan ng buong kaharian ang kanilang iniisip, mahal na prinsipe."

Hinarap nya ito. "Iyon na nga eh, mahalaga sa kanila ang buong kaharian ngunit nakakalimutan na nila ang kanilang nag-iisang anak. Hindi ba pwedeng piliin ko ang buhay na gusto ko?" Alam mo namang simple lang ang buhay na matagal ko nang minimithi."

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora