Engkanto 31

5.3K 181 7
                                    

Engkanto 31

"Hinding-hindi mo na sya mababawi sa akin."

Napasinghap sya ng biglang marinig ang boses na iyon. Halata kasi ang poot at galit niyon kahit hindi pa nya nakikita ang mukha ng taong nagbitaw ng salitang iton. Biglang binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Alam nyang sya ang kinakausap niyon dahil wala namang ibang tao ang naririto sa kanyang kinaroroonan.

Kasalukuyan kasi syang nasa isang tagong parte ng kanilang school ground at nakaupo sya sa isang malaking bato. Nag-iisa lang sya simula ng magsimula na ang second semester dahil wala pa rin syang kinakausap kahit sino pwera na lang kapag tungkol sa paaralan ito.

Unti-unti nyang iniangat ang kanyang ulo at ganun na lamang ang kanyang pagkagimbal sa kanyang nakita.

Isang napakagandang babae ngunit napakaitim naman ng aura!

Nakasuot ito ng bestidang itim na hanggang talampakan. Hindi maitatangging kahuhumalingan ang kagandahan nito ng mga kalalakihan ngunit nakakakilabot.

Agad syang tumayo at umatras palayo dito. "S-sino ka?" kinakabahang tanong nya dito.

Ngumisi ito at pinamaywangan sya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" anito.

Pilit nyang hinalukay sa kanyang isipan kung sino nga ba ito. Aaminin nyang pamilyar sa kanya ang mukha nito ngunit hindi nya matandaan kung saan nya ito nakita. Bahagya syang umiling. "H-hindi." aniya bago sunud-sunod na lumunok.

Nakita nya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. "Dapat tinatandaan mo ang mga kaaway mo, Indira." anito at tumawa ng napakalakas.

Naningkit ang kanyang mga mata. Baliw ba ito? Wala naman syang narinig na nakakatawa sa sinabi nito. Pero, bakit nga ba sya nito kilala? Pinilit nyang isipin kung saan nga ba nya nakita ang mukhang iyon. Ilang saglit pa ay napapitik sya sa hangin na syang ikinakunot ng noo nito.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt