Engkanto 4

11.4K 374 17
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nung maranasan ni Indira ang nakakatakot na tagpong yun pero di nya pa rin magawang kalimutan ang nangyari. Mabuti na lang at nadaanan sya ng sasakyan na ginagamit ng kanyang Daddy kaya nagawa nyang makaalis doon.

Pilit nyang tinatanong ng kanyang ama kung anong nangyari sa kanya ngunit sinasagot nya lang ito ng iling. Baka kasi di ito maniwala sa kanya at mapagkamalan pa syang nababaliw na.

Di din naman nya masabi ito sa mga kaibigan nya lalo na kay Nadine dahil baka sya naman ang pagtawanan nito. Alam nya naman kasing aasarin lang sya nito dahil di sya naniniwala noon sa mga pinagsasabi nito.

Hindi naman kasi talaga sya naniniwala sa ganun, kahit pa kinwentuhan din sya ng ganun ng kanyang Nana Mira. Di rin naman sya masisisi ng mga ito dahil di talaga sya naniniwala hanggang di nya nakikita. Para sa kanya, ang mga bagay na walang ebidensya ay walang kasiguraduhan kung totoo ba maliban na lang kung tungkol sa Diyos ang pag-uusapan.

Napatigil sya sa paglalakad nang maramdaman na naman nya na may nakamasid sa kanya. Sa totoo lang, ilang araw na rin nyang naramdaman iyon. Kahit pilit pa nya itong ipipinagwalang-bahala, hindi pa rin mawala ang pangamba na kanyang nararamdaman.

Lumingon sya sa kanyang likod. Wala naman syang nakitang nakamasid sa kanya. Ibabalik na sana nya ang kanyang paningin sa kanyang daanan ngunit nahagip ng kanyang mata ang isang lalaki sa di kalayuan at parang nakatingin sa

kanya. Nakaputi ito pero di nya maaninag ang mukha nito.

Sa tingin nya ay iyon ang kanina pang nakamasid sa kanya kaya hinabol nya ito pero bigla naman itong tumalikod. Talagang na curious sya kaya kahit nagmamadali sya dahil may klase pa sya, mas inuna nya ito. Ngunit nahirapan sya sa paghabol dito dahil maraming estudyante ang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Nandito kasi sya ngayon sa loob ng kanilang paaralan. Alam nyang hindi estudyante ang taong yun.

Kailangan ko syang mahabol. determinadong sabi nya sa kanyang isip.

Nang makarating na sya sa gate ay bigla na lang itong nawala sa kanyang paningin. Nawala na parang bula.

Napakunot ang kanyang noo.

Saan kaya yun nagpunta?

Pabalik na sana sya sa loob ng paaralan pero napatalon sya sa gulat ng paglingon nya ay ang nakangising mukha ni Nadine ang kanyang nabungaran.

Napahawak sya sa kanyang dibdib. "Ano ka ba Din? Ba't ka nanggugulat?"

Nagkibit lang ito ng balikat. "Lutang ka kasi eh. Kanina ka pa namin tinawag ni Yanyan pero di ka nakikinig."

"Di ko kayo narinig."

Napa-facepalm naman si Nadine. "Dahil nga lutang ka."

"K-kasi... sinundan ko yung lalak----"

Di pa naman sya natatapos sa kanyang sasabihin ay pinutol na nito.

Nanlaki pa ang mga mata nito. "Ow. Em. Gee. Ang isang Indira Brielle Samonte ay nang-i-stalk na ngayon?" sabi pa nito saby takip ng dalawang kamay sa bibig.

Dahil sa inis ay nabatukan nya ito. Nakanguso naman itong tumingin s kanya habang hinihimas ang parte na kanyang binatukan.

"Patapusin mo muna kasi ako."

"Din! Indie! Di ba tayo papasok sa susunod na subject?" sigaw ni Rhian na humahangos na lumapit sa kanila.

Nakapamaywang naman itong hinarap ni Nadine. "Wrong timing ka talaga. Teka, may chika ako. Si Indie nang-i-stalk----umph"

Agad naman nyang tinakpan ang bibig nito. Kahit kailan talaga napakadaldal nito. Ni hindi pa nga nito alam ang buong estorya.

Nagtataka namang pinaglipat-lipat ni Rhian ang tingin sa kanilang dalawa ni Nadine.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon