Engkanto 8

7.2K 283 23
                                    

Tila napako si Indira sa kanyang kinatatayuan ng mga sandaling iyon. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

Naririnig pa nya ang impit na pagtili ng mga kaibigan nya. Nabighani siguro sa kagwapohang taglay ng lalaking nasa harap nila ngayon.

Oo, gwapo ang lalaki. Matangos ang ilong nito, maputi at makinis ang balat, mapupula ang mga labi at makikita mo sa mga mata nito ang ekspresyon nito. Parang nalulunod sya sa mga titig nito sa kanya.

Napatigil sya sa pagpapantasya ng bigla syang sikuhin ni Nadine.

"Sino yan? Ang gwapo, beybi!" bulong pa nito sabay hagikhik.

Hindi nya ito sumagot. Bagkus, nilingon nya ulit ang lalaki. Nakikita nya sa mga mata nito ang tila pagkamangha.

Baka namangha sa beauty ko.

Palihim syang napangiti sa iaiping iyon.

"B-binibini, iyo ba ang mga gamit na ito?" sabi ng lalaki.

Napanganga silang tatlo sa tinuran nito. Ano daw?

"Makata si kuya." bulong ni Rhian sa kanila.

"A-ah... Oo." sabi nya sabay tango.

Ngumiti ang lalaki na naging dahilan ng paglitaw ng mapuputi nitong ngipin.

Napalunok sya. Bakit parang perpekto itong lalaking ito?

Pinalis nya ang kanyang naisip. Dapat di sya umaakto ng ganun. Pero di nya alam kung bakit parang may humihila sa kanyang tingnan ulit ito sa mga mata.

"Kung ganun, kunin mo na ang mga ito." nakangiti pa nitong sabi at inilahad sa kanya ang kanyang bag.

Agad nya naman itong kinuha mula dito at tinignan kung alin ba sa mga gamit nya ang nawala.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now