Engkanto 16

6.4K 244 5
                                    

Naglalakad sya sa isang hardin na punung-puno ng iba't-ibang klaseng bulaklak. Kanina pa sya nagpaikot-ikot dito ngunit di nya pa rin alam kung paano sya nakarating sa lugar na iyon. Ni sa hinagap nya ay hindi nya akalaing may ganito kaganda pa palang paraiso ang natitira dito sa mundo.

Nakakita sya ng mga pulang rosas. Napangiti sya sapagkat iyon ang kanyang paboritong bulaklak. Akmang pipitasin niya ito ng bigla na lamang syang napatalon sa gulat.

"Wag na wag kang hahawak ng kahit ano hanggat ikaw ay nandirito pa." babala nito sa kanya.

Inilibot nya sa paligid ang kanyang paningin upang malaman kung sino ang nagsalita ngunit wala syang makita.

"Nandito ako sa iyong harapan." malumanay na sabi pa nito.

Nang lumingon sya ay namangha sya sa kanyang nakita. Ang nagsalita ay isang babaeng nagtataglay ng mala-Dyosang kagandahan. Hindi nya alam kung paano ilarawan ang mukha nito. Ngayon lamang sya nakakita ng ganun kagandang nilalang!

Ngunit sino nga ba ito?

"Maligayang araw sa iyo." nakangiting sabi nito sa kanya.

Napatango na lang sya dahil hindi nya matagpuan ang kanyang boses. Tila may bara ang kanyang lalamunan kung kaya't hindi nya magawang makapagsalita.

"Alam kong nagtataka ka kung anong ginagawa mo dito."

"B-Bakit nga ba ako nandito?" aniya ng sa tingin nya ay kaya na nyang magsalita ng maayos sa harapan nito.

Bigla naman iting yumukod na syang ikinabahala nya. Lalapitan nya sana ito upang tulungang makatayo ng maayos ng bigla itong magsalita.

"Ipagpaumanhin mo ang aking kapahangasan ngunit ako'y napag-utusan lamang ng aking ginagalang na re--- ah, ang ibig kong sabihin ay ako'y napag-utusan lamang ng isang kagalang-galang na binibini." arang kinakabahang pahayag nito.

Nangunot ang kanyang noo. Sino naman kaya ang tinutukoy nito? "Ah eh, Miss. Di mo naman kailangan pang yumukod. Hindi naman ako isang reyna o prinsesa." aniya at kimi nya itong nginitian.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now