Special Chapter 2

5.8K 219 38
                                    

Special Chapter 2


"Janus, bili mo 'ko ng pancit canton," nakangusong saad ni Indira sa kanya.


Napakamot siya sa kanyang ulo. "Mahal, may stock naman tayo ng pancit canton d'yan tsaka, wag kang kain ng kain ng pancit canton. Hindi iyon makabubuti sa katawan." mahinahong paliwanag niya dito.


Kasalukuyan silang nasa sala ng kanilang bahay habang nanonood ng 'What's Your Number'. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na itong inuulit na panoorin ng asawa niya. Gusto nga niya sana itong suwayin kasi siya ang nagsasawa pero natatakot siya. Baka kasi awayin na naman siya nito.


Sa tuwing trip nitong manood ng movies ay hindi pwedeng wala siya sa tabi nito. Maya't maya kasi ay maglalambing ito sa kanya o di kaya'y uutusan siya ng kung anu-anong gusto nitong kainin.


"Pinagbabawalan mo 'ko?" nakataas ang kilay na tanong nito habang hinihimas ang malaki na nitong tiyan.


Kabuwanan na ngayon na Indira ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay parang naglilihi pa rin ito. Minsan na niyang tinanong ang kanyang Mama Rena kung normal bang maglihi pa rin ito kahit malapit na itong manganak ngunit ngiti lang ang isinagot nito.


Nang tatanungin naman sana niya ang doctor ng magpacheck up sila ay natatawang umiling-iling lang ito at sinabing marahil ay naglalambing lang daw ang misis niya.


Ikinagalak naman niya ang isiping iyon.


"H-Hindi. Ano ka ba naman. Kahit kailan, hinding-hindi kita pagbabawalan sa mga gusto mo. Basta ba makabubuti iyon sayo," paliwanag niya habang yakap ito sa beywang.


Hindi na niya kasi mayakap ito kapag nakaharap dahil malaki na ang tiyan nito. Malapit nang lumabas ang anak nila. Anak. Wala sa sariling napangiti siya sa isiping iyon. Nasasabik na siyang makarga at maalagan ang magiging anak nila ni Indira.


Inirapan lang siya nito. "Sige na nga. Sumayaw ka na lang sa harap ko, Janus."


Napamulagat siya. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata ng balingan niya ito. "S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo? D-Di ba nanonood ka ng movie? Di ba nga sabi mo pa gwapo si Chris Evans kaya hindi mo palalampasin ang movie niya? A-Anong nangyari?"


Natataranta siya. Nakakahiya mang aminin ngunit hindi siya marunong sumayaw. Ibang sayaw naman kasi iyong nagawa nila ni Indira noon. Slow dance naman iyon. Pero ang gusto ng asawa niya ay iyong may pagiling-giling. Kagaya daw ni Channing Tatum sa 'Magic Mike' at ni Ryan Guzman sa 'Step Up Revolution'. Ngayon ay gusto na yata niyang pagsisihan ang labis na pang-i-spoil niya kay Indira sa panonood ng mga movie.


Aaminin niya, nagseselos siya kasi grabe itong makatili at kung minsan ay napapapadyak pa ito.


"Hmp! Ang sabihin mo, ayaw mo na talaga sa akin," nakalabi pang sabi nito.


Agad siyang umiling. "H-Hindi kaya. Hindi ako magsasawa sa'yo. Mahal kaya kita."


Napahagikhik naman ito kapagkuwa'y inabot ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. "Joke lang, mahal ko. Eto naman, masyadong seryoso."

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon