Engkanto 9

7.6K 211 4
                                    

"Paano mo nga pala nakuha yung bag ko?" tanong ni Indira kay Janus.



"Nakita ko kasi ang buong pangyayari kaya hinabol ko sya." sagot naman nito.




Kunot-noo nya itong tiningnan. "P-paanong nakita mo? Ni hindi ko nga napansin na may ibang humabol dun sa magnanakaw bukod sakin." Totoo naman kasing ni anino nito ay di nya napansin. Imposible ang sinasabi nito.




Nakita nya naman ang pag-iwas nito ng tingin. "A-ah...ang totoo nyan, pauwi na ako nung sandaling yun."



Hindi sya kumbinsido sa sinabi nito. Kaya kahit nakakahiya ay di na nya napigilan ang  kanyang bibig na magtanong dito.




"Janus, sinusundan mo ba ako?" direktang tanong nya dito.




Napalunok naman ito at nanahimik saglit. "A-ah...kasi..." Kahit umiwas ito ng tingin ay hindi nakaiwas sa kanya ang pamumula ng mukha nito.



Napangiti sya. Ang cute kasi nitong tingnan. Lalo na ngayong alam nya na kinakabahan ito. Makikita kasi sa mukha nitong halos mawalan na ng kulay. Gusto nya tuloy tawanan ito, pero di nya magawa. Baka kasi mapahiya ito sa kanya. Sabihan pa syang walang utang na loob. Kaya mas pinili nyang pigilan na lang ang sarili nya.



"Sagutin mo ang tanong ko." seryoso nyang sabi dito.



Alam nyang nabigla ito sa pagseseryosi nya, pero iyon lang kasi ang tanging alam nyang paraan para mapaamin ito. Hindi din nya maintindihan king bakit atat yata syang malaman ang sagot sa tanong nya. Nahihiwagaan kasi sya sa lalaking ito. Di nya mawari kung ano ang dahilan, basta't yun ang nararamdaman nya dito. Alam nyang ito yung lalaking nararamdaman nyang nagmamasid sa kanya. Pero di sya ganun kasigurado, kaya tinatanong nya ito. Baka kasi mapahiya pa sya dahil sa kung anu-anong pumapasok sa isip nya.






"W-wag ka sanang magalit." Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "O-oo, s-sinusundan kita."



Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito. Kahit alam nyang may posibilidad na tama ang kanyang hula ay di pa rin nya maiwasang mabigla. Di nya kasi akalaing ang lalaking asing gwapo nito ay susundan-sundan ang isang gaya nya.




Hindi naman sa minamaliit nya ang sarili nya pero alam nya naman kasing may mga lalaking ilag sa kanya. Marahil, di sya attractive. Yun ang palagay nya ngunit lagi naman syang di sinasang-ayunan ng mga kaibigan nya sa usaping iyon. Naiintimedate lang daw siguro ang mga lalaking lumapit sa kanya dahil anak sya ng Mayor at may pagka mataray. Ipinagkikibit-balikat na nga lang nya iyon.




"B-bakit?" natanong nya dito.




"E-eh.. kasi... ano.." napakamot ito sa ulo. "G-gusto kita." sabi nito habang nakatingin sa kanya.



Napanganga sya sa sinabi nito. G-gusto? Di ata iyon ma proseso kaagad ng itong nya abg sinabi nito.





"...maging kaibigan."




Napabalik sya sa huwisyo ng marinig nya ang pagring ng kanyang cellphone. Agad nya itong sinagot. Sigurado kasi syang ang kanyang kaibigan ito. Maaaring si Nadine o si Rhian.




Isang linggo na rin pala simula ang pangyayaring iyon. Mula nun, di na nya muling nakita si Janus. Di nya alam pero nalungkot sya. Akala kasi nya magkakaroon na sya ng bagong kaibigan. Baka nga, hanggang salita lang ito.




"Hello." bati nya sa kabilang linya habang sinusuot ang kanyang puting rubber shoes.




"BRUHA KA! ASAN KA NA NGAYON, HA? I-INDYANIN MO KAMI? HA? SUMAGOT KAAAAAA!"



Awtomatikong nailayo nya sa kanyang tenga ang cellphone. Ang lakas kasi ng boses ni Nadine. Alam na nyang masesermonan sya nito. Late kasi sya sa usapan nilang tatlo na gumala sa mall. Wala naman silang mga gawain sa paaralan kaya pumayag sya.



"Ang ganda ng bati mo ah." natatawang sagot nya dito.




"Tse! Bilisan mo na nga lang jan. Baka maubusan tayo ng magagandang damit eh." sermon pa nito sa kanya.




Tantya nya, nakanguso pa ito habang sinasabi yun. May sale kasi ngayon sa mall kaya ang kuripot na si Nadine, eh nag-ayang magshopping. Ewan ba nya sa kaibigan nya kung bakit kailangan pang magsale para sumugod sa mall. Eh, kayang-kaya naman nitong bumili ng kahit sangkatutak na damit kahit walang sale.




"Oo na po. Nakatulog kasi ako. Buti nakapag-alarm ako." pagpapaliwanag nya pa.




"Excuses. Hmp!"




Napasimangot sya ng binabaan sya nito ng telepono. Kailangan na nya talagang magmadali, baka balatan sya nito ng buhay. Napatawa na lang sya sa naisip nya.




Pagkadating na sa mall ay agad nyang hinanap si Nadine. Nabigla sya ng bigla na lang may humila sa kamay nya. Magpupumiglas na sana sya kung di nya lang nakita na si Rhian pala iyon.




"Halika na Indie. Malapit nang umusok ang ilong at tenga ni Dindin." natatawang sabi nito na ikinangiti nya na lang.



Pagkapasok nila sa isang botique, agad nilang nakita ang nakasimangot na si Nadine. Tinaasan pa sya nito ng isang kilay na syang ikailing nya.



"Infainess, pa VIP ka ha." bati pa nito sa kanya.



"Hello din." natatawang sabi nya dito sabay kaway pa ng kanyang kanang kamay.




"Mamaya na yan. Its shopping time."  pahayag no Rhian.




Nagkatinginan silang tatlo at sabay pang napangisi.




"Bring it on!" sabay pa nilang sabi.






Ilang oras din ang lumipas bago nila naisipang kumain. Pare-pareho silang napagod sa kakalabas-masok sa iba't-ibang botique. Buti nga't nagsale ang mga ito, na bihira lang namang mangyari.




Pinili nilang kumain sa Mcdo. Dito kasi sila kadalasang napapadpad kapag kumakain sila sa mall. At tsaka, affordable naman ang mga pagkain. Bagay lang sa kanilang pilit na nagkukuripot.






Nagsimula na silang kumain nang bigla na lang nagring ang cellphone nya. Napakunot-noo sya. Hindi naman siguro ang Daddy nya ang tumawag. Nagpaalam naman kasi sya dito.




Nagtaka sya ng makitang unknown number ang tumatawag. Hindi na sana nya iyon sasagutin pero parang may nagtutulak sa kanya para sagutin ang tawag na iyon. Di kasi sya sanay na sumasagot ng tawag galing sa di kilalang numero. Baka kasi mapahamak pa sya.






"Ma'am." bati ng nasa kabilang linya.



"S-sino to?" anong nya dito.




"Sekretarya po ako ng Daddy mo." malumanay na sagot nito.




Bigla namang bumilis ang tibok ng puso nya. Napansin nya pang tumigil na rin pala sa pagkain ang mga kaibigan nya at kunot-noo syang tinignan.




Di nya maipaliwanag ang kabang nararamdaman nya. Wag naman sanang may nangyaring masama sa Daddy nya. Hindi nya kakayanin.






"B-bakit po?" kinakabahang tanong nya rito.




Narinig nya ang paghugot nito ng hininga. "Ang Daddy nyo po kasi,






isinugod po sa ospital."





Pakiramdam nya ay para syang nanlamig sa narinig nya. Hindi kayang tanggapin ng isip nya ang kanyang narinig.





Dad, please be safe.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now