Engkanto 25

6K 200 16
                                    

Engkanto 25

"Ano ba ang lulutuin mo, Indie?" nababagot na tanong sa kanya ni Nadine.

Nilingon nya ito at nginitian. "Yung favorite kong ulam. Menudo." sabi nya bago muling itinuon ang pansin sa kanyang niluluto.

Pagkagising nya kanina ay alas dyes na ng umaga. Natural lang naman na tanghaliin sya ng gising dahil mag-uumaga na rin ng matulog sya. Muntik na nga nyang makalimutan na hindi nga pala siya nag-iisa sa kanyang silid. Mabuti na lang at nasa veranda si Janus ng mga sandaling iyon kung kailan pumasok at ginising sya ng kanyang Nana Mira.

Hindi sya sigurado kung nakakakita ito ng mga katulad ni Janus dahil kahit minsan ay hindi nya iyon nagawang itanong dito. Hindi naman kasi sya naniniwala sa mga Engkanto noon. Ewan ba nya kung sinadya talaga ng pagkakataon na sa isang Engkanto sya iibig. Wala naman syang kahit kaunting pagsisising nararamdaman ukol dito dahil sa ngayon ay masaya sya. Walang kapantay na kasiyahan.

Natauhan sya ng makarinig ng ingay na nagmumula sa sala ng kanilang bahay. Nang tingnan nya kung ano iyon, natawa na lang sya ng makitang nag-aagawan sina Rhian at Nadine sa isang movie tape. Marahil, nababagot na ang mga ito. Gusto nya kasi munang tapusin ang kanyang niluluto bago nya ikwento sa mga ito ang mga nangyari.

Tanging sila lamang ang nasa kanilang mansion dahil wala rin ang kanilang bodyguard. Hindi nya alam kung anong pumasok sa kukute ni Nadine at bigla na lang nitong sinabihan ang isa nilang katulong na si Yaya Nida na umuwi muna sa pamilya nito. Nung una ay maluha-luha pa ito dahil akala nito ay sinisisante na nya ito ngunit ipinaliwanag naman niya na magpahinga muna ito ng ilang araw at sila na lang ng mga kaibigan nya ang tatao sa kanilang mansion.

Wala kasi ang kanyang Nana Mira. Nagpaalam ito kanina na uuwi sa pamilya nito dahil nagkasakit daw ang nanay nito. Nag-alala sya at gusto nya sanang samahan ito pero naalala nya na hindi nya pwedeng iwan si Janus. Ang kanyang ama naman ay may biglaang seminar sa Baguio ng isang linggo. Nagtataka nga sya kung bakit parang pabor sa kalagayan nya ang mga nangyayari. Para bang planado ang lahat.

Pinalis nya ang isipin iyon. Baka nagkataon lang talaga. Alangan namang mind reader ang mga kasama nya sa bahay at nalamang may itinatago sya. Sa ngayon, gusto nya lang sulitin ang kanyang sembreak na kasama si Janus. Sana lang, hindi na ito umalis pa.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now