Engkanto 20

6K 188 10
                                    

"Brielle, what's happening to you?" pigil ang galit na tanong sa kanya ng kanyang ama.

Hindi na lamang nya iyon pinansin at tuluyan ng umakyat patungo sa kanyang kwarto. Naabutan kasi sya kanina ni Mang Tony na nakasalampak sa damuhan doon sa plaza habang umiiyak. Nakalimutan nyang tumawag nga pala sya dito kaninang umaga na magpapasundo.

Nagpapasundo na sya sa kanilang driver dahil baka kung ano at kung sino na naman ang kanyang makita sa parteng kakahuyan na kanyang madadaanan. Ayaw nyang maalala ang mga nangyari ngunit hindi nya pa rin iyon maiwasan. Ngayon, ramdam na ramdam na nya ang pag-iisa. Kanina pa nya tinatawagan si Rhian at Nadine ngunit nakapatay ang cellphone ng mga ito.

"Brielle, talk to me!" nagpupuyos ng galit na sabi sa kanya ng kanyang ama.

Hindi nya namalayang sinundan pala sya nito sa kanyang silid. Masyado syang maraming iniisip kaya pinili nyang wag itong sagutin. Gusto nyang mapag-isa.

Narinig nya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama bago nya maramdaman ang pag-upo nito sa kanyang kama at hinaplos ang kanyang buhok. 

Pinigil nyang mapaiyak habang nakataklob ang kanyang mukha ng unan. Ayaw nyang malaman nito ang kanyang pinagdadaanan dahil alam nyang mag-aalala ito at baka makadagdag pa sya sa mga aalalahanin nito.

"Sweetheart, talk to me. Tell Daddy what's happening to you." malumanay na sabi pa nito habang hinahaplos pa rin ang kanyang buhok.

Pinigil nyang kumawala ang kanyang hikbi bago ito sinagot. "I-I'm fine.. Dad.. I just w-want to be a-along right now."

Naramdaman nya ang pagtayo nito mula sa kanyang kama. "I know there's something that's bothering you right now. But I'll give you space. J-just don't hesitate to tell me when you're ready. You know that you can count on me, princess."

"Y-Yes... Dad." aniya at tinakpan ang kanyang bibig dahil sa takot na baka may kumawalang hikbi.

Narinig nya ang pagbukas at muling pagsara ng kanyang pinto. Kaya naman tuluyan na nyang hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak. Ngayon, pati ang kanyang ama ay iniiwasan na nya. Anong klase syang anak? Bakit ba kasi sya nagkakaganito? 

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now