Engkanto 15

6.5K 243 7
                                    

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Indira. Mahal kita."

Napasinghap sya dahil sa sinabi nito. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin, sabihin at maramdaman. Kung susuntukin nya ba ito para matauhan, kung magpapsalamat ba sya o kung matutuwa ba sya.

Pinakalma nya ang sarili at tinapunan ito ng masamang tingin. "N-nababaliw ka na ba? T-tsaka, paano ka nakapasok dito? Anak ka rin ba ng pulitiko?"

Mas lalo syang nainis dito. Imbes kasi na sagutin ang kanyang mga tanong ay hinalikan pa nito ang likod ng kanyang kamay na hawak nito. Nagulat sya sa inasal nito kaya agad nyang binawi ang kanyang kamay. Bigla ay nakaramdam sya ng kung anong parang lumilipad sa tyan nya. She knows it was butterflies in her stomach. Yes, she knows it. Ever since Janus came in the picture, she can't help but think about him especially how he looks like when she had that sweet smile on his lips.

She didn't want to come into conclusions about what is she feeling towards this man in front of her. She thinks it's just too early for her to feel something for him. And he's not ready to face it.

"Gwapo ba ako?" maya-maya'y tanong nito sa kanya.

Napaiwas naman sya ng tingin dito. Ngayon nya lang napagtantong nakatitig na pala sya sa mukha nito. Oo, aaminin nya sa saril nyang gwapo ito ngunit hinding-hindi nya sasabihin sa lalaking ito. Baka akalain pa nitong may gusto sya dito.

Wala nga ba?

Hindi nya na lang pinansin ang sinabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Tinignan nya ng masama si Janus at tumayo. Sumunod naman ito sa kanya. Magkaraharap na sila sa isa't-isa. Dinuro nya ito. "Ang kapal ng mukha mong itanong yan. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

Ngumisi lang ito bago iniwas ang hintuturo nya na nakaturo dito. "Titig na titig ka kasi sa akin kaya tinanong kita. Anong ginagawa ko dito? Simple lang, nandito ako kasi gusto kitang makita at makausap. Sobra na akong nangungulila sayo."

Pakiramdam nya ay namula sya dahil sa huling pangungusap na sinabi nito. Bakit kailangan pang malalim na wikang Filipino ang gamitin nito? Talaga bang balak nitong pasabugin ang puso nya sa sobrang kagalakan? Hindi na nya talaga maintindihan kung bakit sobra syang naaapektuhan sa mga sinasabi at papuri nito sa kanya.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now