Nami's Note

5.2K 153 27
                                    

Hi and hello readers. *kaway kaway* Eepal na naman po ako. Hihihi! Gusto ko lang pong sabihing MARAMING MARAMI PONG SALAMAT! As in sagad po na THANK YOU. Ang saya ko po kasi natapos ko ang AMKE sa loob ng higit tatlong buwan. At ito pa lang ang istoryang natatapos ko dito sa wattpad. Natapos ko po ito dahil sa inyo. Dahil sa suporta nyo sa istoryang ito lalo na kina Janus at Indira. Salamat po sa lahat ng naghintay ng update kahit weekends lang o di kaya'y may free time ako. Sobra-sobra ang saya ko dahil hindi ko akalaing may tatangkilik sa kwento ko.

At first, sabi ko sa sarili ko na kahit 1k reads lang okay na pero di ko akalaing makakaabot ng 8k. Masasabi kong magandang simula ito. Hihihi! Salamat din sa pagvote at pagcomment. Sobra ko po iyong na-a-appreciate. Yun ang nagsisilbing motivation ko sa pag-u-update ko eh. Lalo na kapag nakakabasa ako ng positive comments. Hihihi! Nasasaktan po kasi ako sa negative. Chos! Pero I know na hindi maiiwasan yun because I can't please everyone.

Una ko pong naisip ang title nito when I was fourth year high school. Mahilig akong gumawa ng title ng story pero tamad akong magsulat. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula and then ngayong college na, naisip ko na magtry kasi wala rin namang mawawala pero gusto ko ng ibang genre kaya I tried Fantasy-Romance and I'm so thankful na pumatok sya sa panlasa ninyo. Bata pa lang kasi ako, naikwekwento na sa akin ng lola ko ang tungkol sa mga Engkanto that's why inspired akong isulat sila. Hihihi! Ang haba na nito.

Sana po suportahan nyo yung susunod na kwento ko. 'Under His Possession' po yung title. Story iyon ni Nadine. This time, Mystery-Thriller at Romance naman ang susubukan ko at hopefully sa story ni Rhian ay Horror-Romance naman. Sana po patuloy nyo akong suportahan.

May mga tanong ako at pakiusap. Hihi!

*Gusto nyo po bang gumawa ako ng sidestory ni Atlas?

*Anong masasabi nyo sa epilogue? Eh sa flow ng story?

*Bagay po ba sina Ashley Benson at Chace Crawford as Janus and Indira?

*Pwede po ba kayong magcomment ng mga hinaing ninyo para malaman ko kung nasatisfy kayo sa story.

Mga walang kwenta ang mga tinatanong ko pero please po. I just need to know your reactions. Alam ko maraming kulang sa story ko. Kaya gusto kong malaman ang mga gusto nyong sabihin sa akin. Wag kayong mahiya. Hindi na uso iyon. Hahahaha! (Kahit mahiyain ako. xD)

Salamat sa lahat ng readers. I love you all. *hugs and kisses*

Love lots,

Nami

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Where stories live. Discover now