#33: Leo

9.1K 380 44
                                    

*****

Mabilis na tumakbo ako palabas ng viewing room habang nakatanaw na ako kanina sa labas para manuod ng karera ni Clark pero ang hindi ko inaasahan ay ang maringgan ko ng palihim ang usapan ng ilan sa nandoon na nanunuod. At isa doon ang pinagkakatiwalan niya.

Damn! Sampong minuto na lang aarangkada na ang sasakyan niya. Kailangang bilisan ko pa ang pagtakbo ko para makaabot ako at mapatigil siya na hindi niya dapat imaneho ang pangkarerang sasakyan niya.

Damn them! I won't let them out of this pagkatapos kong mapatigil si Clark. Gusto ko man sana silang sitahin na kanina pero naisip ko, kapag ginawa ko iyon ay malamang nagsimula na ang karera niya. Kaya naman agad akong lumabas at ngayon ay mabilis na tinatalunton ang daan patakbo sa kanya. Halos liparin ko na sa bilis sa ginawa kong pagtakbo para lang nakarating agad sa kinaroroonan niya na handang handa na at hinihintay na lang ang hudyat para umarangkada sila.

"Hey! Wala ng pwedeng pumasok sa tracking race."pigil pa ng isang guard sa akin at hinarangan ko pero binigwasan ko lang siya ng suntok at agad akong lumihis para magpatuloy sa pagtakbo palapit sa kanya.

Hinahabol na nila ako dahil nilabag ko na ang rule ng laro na walang sino man ang pwedeng pumasok sa tracking race kapag hindi ka kasali maliban na lang sa mga nangangarera.

"Pigilan niyo siya."narinig kong sigaw na pautos ng isa kaya naman maraming ng sumalubong sa akin para pigilan ako.

Nakipagsuntukan na ako lahat lahat, marami na akong napatumba pero hindi nila ako hinayaang makalapit kay Clark. Hanggang sa mahuli na nila ako at mapigilan.

"Damn it. Bitawan niyo ako. Bitawan niyo ako." pag wawala ko at pilit na kumakawala sa mga humawak sa akin.

"Tumigil ka. Lumabag ka sa batas ng laro." galit na sita sa akin ng isa.

"Mga gago, bitawan niyo ako."pasigaw na sagot ko pa dito saka ako tumingin sa may kalayuan pang linya ng mga mangangarera kung saan siya nabibilang.

"Clark. Claaaaaaaaaaaaaaaark." Talagang itinudo ko ang pagsigaw ko ng pangalan niya. Baka sakaling marinig niya ako. Nakaagaw na ng pansin ang pagsigaw ko. Ang pagwawala ko. Ang nag uumigting na gusto kong makawala sa mga lalaking nakahawak sa akin at pumipigil para hindi ko na sila malabanan. Pero buong lakas parin ankong nagpupumiglas para lang makawala sa kanila.

Kailangan kong pigilan siya. Kailangang mapigilan ko sila.

Please! Clark babe. Lumingon ka dito. Sa loob loob ko at pilit talagang kumakawala sa mga pumigil sa akin.

"Tumahimik ka. Nakakabulahaw ka ng mga manunuod." Galit na sabi ng isa sa nakahawak sa akin na tinapunan ko lang ng masamang tingin.

"Gago, bitawan mo ako. Kailangang itigil ang laro. Bitawan niyo ako." Sigaw na sagot ko at patuloy parin ako sa pagwawala para makawala ako sa pagkakahawak sa akin. "Claaaaaaaark." Muli kong sigaw ng pagkalakas lakas. Kailangang marinig niya ako. Kailangang mapalingon man lang siya sa gawi namin.

"At sino ka para ipatigil ang laro. Wala kang karapatan. Kaya kung ayaw mong makulong tumahimik ka diyan. Baka gusto mong mabilanggo dahil sa paglabag mo ng batas ng laro." Galit na banta pa ng isa sa akin. Pero wala akong pakialam. Ang sa akin ay matigil ko ang laro. Kaya pilit parin akong makawala sa kanila. Ilang minuto na lang.

"Damn it. Bitawan niyo ako."sigaw na ako ng sigaw. "Ipakulong niyo ako kung iyan ang gusto niyo pero sisiguraduhin ko munang hindi matutuloy ang karera ngayon."pasigaw na sagot ko pa dito.

"Anong kaguluhan ito." Tanong ng isa sa pinagkakatiwalaan ni Clark na mag asikaso sa pangkarerang sasakyan niya. Daniel ba ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. At ito ang isa sa naringgan ko kanina kaya ngayon ako umabot sa puntong ito.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang