#31: Cynthia

10.1K 340 164
                                    

Hindi ko mapigilan ang hindi titigan at pagmasdan si Sir Clark kapag hindi ito nakatingin. Ang gwapo talaga niya at ang amo ng mukha niya. Ang sarap tuloy haplusin ang mga pisngi niya na sa tingin palang ay mukha ng malambot na paano na lang kung hahawakan ko na at mahahaplosin talaga.

Simula ng una ko siyang makita ng siya mismo ang magbukas ng gate para lang papasukin ako ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Lalo na ang kanyang ngiti ng ngumiti siya sa akin. Nakakahalina at parang nag aanyayang halikan ang mga labi niya na may ngiti. Lalo na ang malambing niyang boses. Na parang musika sa pandinig.

Baliw na kong baliw akong matatawag dahil sa kakaisip ko sa kanya. Sa hindi ko mapigilan. Dahil talaga namang wala ni kahit na sinong babae ang hindi mahuhulog ang loob sa kanya.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang malaman kong may relasyon siya sa Leo na iyon. Anong mayroon ang Leo na iyon at nagustuhan niya ito? Bakla ba sila pareho? Pero hindi naman nakikita sa mga kilos nila. Lalo na ang Leo na iyon na kung makaasta ay siya na talaga ang may ari ng bahay na tinitirahan nila. Dahil sa kwento ng ina nito ay si sir Clark ang bumili ng bahay para sa kanila. Sir Clark deserve someone better than Leo.  He deserve a beautiful girl like me not him.

Maganda ako, matangkad, at higit sa lahat sexy. Kaya sigurado akong may pag asang mahumaling sa akin si sir Clark at mabaling ang pagtingin niya sa akin kapag aakitin ko siya at iiwanan ang Leo na iyon na ngayon ay kinahuhumalingan niya.

Hindi nga lang ako makalapit ng tuluyan kay sir Clark dahil bantay sarado siya ng Leo na iyon. Na kung tapunan nito ako ng tingin ay parang may nagawa na akong hindi maganda at ayaw niyang pagsilbihan ko si sir Clark na lagi nito akong sinisita sa tuwing gagawin ko iyon.

Pero ganun man, makakakuha din ako ng pagkakataon na tuluyang makalapit kay sir Clark. Hindi oras oras na magkasama ang mga ito. At kapag nagkaroon na ako ng magandang pagkakataon ay sisiguraduhin kong sa isang iglap lang magiging akin ang buong pansin ni sir Clark. At mapapatalsik ko ang Leo na iyon kasama na ang ina niya sa bahay na ito. Dahil ako ang magiging reyna sa bahay na ito at magiging reyna sa buhay ni sir Clark.

"Good morning sir Clark." Pagbati ko sa kanya ng makita ko siyang pababa na siya ng unang palapag ng umagang iyon. I smile at him sweetly. Iyong tipong paenosente na ngiti.

"Good morning too Cynthia." Pagbati naman niyang sagot sa akin saka din siya ngumiti na nakakapagpatunay ng puso dahil sa lambing ng ngiting iyon sa labi niya na parang gusto ko siyang talunin para yakapin at pupugin ng halik sa labi kung hindi ko lang naisip na isa pa palang akong dakilang katulong ng mag ina na nagpapasasa lang sa yaman niya. Pero balang araw, magagawa ko rin iyon. Ang mahalikan ang mga labing mayroon siya ng mga ngiting iyon.

"Ano pong gusto niyonsa breakfast sir. Ng maipaghanda ko po kayo?" Malambing na tanong ko sa kanya at kulang na lang talaga ay ang lapitan ko siya at ipulupot ang mga kamay ko sa braso niya. Ihilig ang ulo ko sa balikat niya. Iyong tipong naglalambing ako sa magiging asawa ko in the future. Nakakakilig lang ang mga iniisip ko. Tapos hahalikan niya ako sa nuo hanggang sa matangay na siya at halikan na ako sa labi.

Ahhhhhh! My sweet sir Clark. My one ang only Clark. Magiging akin siya. At iyon ang gagawan ko ng paraan.

"Mamaya na lang Cynthia, hihintayin ko pang bumaba ang sir Leo mo at sabay na kami." Sagot niya na nakapagpasimangot sa akin pero syempre hindi ko ipinahalata.

Sige lang muna ang Leo na iyon. Ako din ang hihintayin niya kapag dumating ang araw na sa akin na ang sir Clark ko.

"Sige po sir Clark."

"Ang inay, nasaan?"

"Maaga pong lumabas sir Clark. Mamalengke daw siya."

"Bakit hindi mo sinamahan?" Tanong mula sa may hagdan kaya pareho kaming napalingon ni sir Clark doon. Ang Leo na sagabal sa pagpapansin ko kay sir Clark. Gusto ko mang irapan ito ay hindi ko magawa dahil matalim na naman ang tinging ipinukol sa akin.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now