#12: Clark

13.5K 522 137
                                    

Putang ina naman! Sa loob loob ko ng magmulat ako ng mga mata. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa gawi ni Leo.

Deretsong nakaupo lang ito at nakadantay ang kamay sa manobela.

Damn it again!

Nang makita ko siya ay naalala ko ang naging panaginip ko. At bakit kailangang managinip ako ng ganun.

Naipilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko iyon.

"Nasaan na tayo?"tanong ko na lang sa kanya. Para maiba naman ang nasa isip ko at hindi ang bwesit na panaginip ko ang tumatakbo sa isipan ko.

Pero parang totoo eh!

Sa panaginip ko ay nakatitig siya sa akin saka niya hinahaplos ang labi ko. At kaunting kaunti na lang at lalapat na ang labi niya sa akin.

At ang bwesit. Bakit pakiramdam ko nabitin ako? At parang gusto kong lumapat ang mga iyon sa akin. Bakit kasi bigla akong nagising ng hindi ko mawari.

"Wala akong maisip na pwedeng inuman. Kaya nandito tayo sa bahay." Sagot niya sa akin saka bahagyang tumingin sa akin.

Nailing akong muli. Talagang napakailap nito. Hindi ko man lang siya matitigan sa mata ng matagal. Lagi itong seryuso. Kaya malabong mangyari ang nasa panaginip kanina lang.

"So dito tayo iinum ganun?" muli kung tanong at tumingin ako sa labas ng bintana.

Ito ba ang bahay nila. Well, small pero tingin ko naman malinis. At mag aalas sais pa lang ng gabi kaya naman maliwanag ko. At kita ang aliwalas ng labas ng bahay nila dahil napapalibutan ito ng naggagandahang mga halamang namumulaklak.

"Yeah! Ayaw mo ba? Hindi mo naman kasi sinabi ang eksaktong lugar kung saan ang gusto mo. Kaya naisip ko dito na lang. Kung malasing ka man o ako. Wala tayong proproblemahin dahil nandiyan ang inay para asikasuhin tayo." mahabang habang paliwanag niya.

"Eh paano ang iinumin natin?"

Tumingin siya sa back seat kaya napatingin na rin ako. May naka plastic bag doon na mga alak. Pero bakit ang dami at ibat ibang brand pa talaga. Anong balak nito? Maglalasing ba siya?

"Tumigil ako sa supermarket kanina para bumili. Kaya hayan. Kasya naman na siguro iyan. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong inumin. O anong brand ng alak ang iniinum mo kaya ibat ibang klase iyan."paliwanag niya. Kaya naman pala. Inaalala niya kung ano ang gusto ko kaya naman hindi ko na mapigilang ngumiti at tumingin sa kanya.

"So lets go. Ano pang hinihintay natin."aya ko at saka nauna na akong bumaba at lumapit sa pintuan ng bahay nila.

Malinis naman siguro sa loob diba. Dahil kung hindi malamang hindi ako magtatagal. Ayaw ko kasi ng makalat at marumi ang paligid ko. Allergic ako. Kaya nga hindi ako pala labas dahil ayaw kong nakakakita ng madumi, makalat. Sa MC sa bahay at sa racing area na lang ako lagi.

At sa mga kainan naman limitado din. Mga club ay ganun din. Hindi naman sa maarte ako pero sinanay kasi kami ni mama na malinis dapat ang paligid namin. Tulad ng sariling silid kaya naman nasanay na ako ng ganun.

Tinignan ko siyang muli at napansin kong napapailing ito saka niya kinuha ang mga pinamiling alak bago bumaba. Dala dala na din ang damit kong pangkarera at helmet.

Pero bago siya lumapit sa akin ay nilapitan niya ang tatlong kalalakihan sa kabilang bahay. May sinabi siya sa mga ito na sunod sunod na tumango hanggang sa lunapit na siya sa akin.

"Anong sinabi mo sa mga iyon?"tanong ko sa kanya.

"Sinabihan ko lang na bantayan nila ang baby mo. Para hindi pagdiskitahan ng iba. Huwag kang mag alala. Dahil walang lalapit sa baby mo ng hindi sila dadaan sa kamao nila."sagot niya sa akin kaya naman napatango na lang ako. "Hindi maluwang ang bahay pero malinis naman dahil masinop ang inay." Pagkuway sabi niya saka kumatok habang hawak sa magkabilang kamay ang medyo may kabigatang plastic bag.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu