#16: Leo

14.8K 568 160
                                    

Damn him!

Pero napalunok ako ng matapat mismo ang mukha ko sa harapan niya na halos isang dangkal na lang layo sa akin

Hindi ba niya alam kung anong pagpipigil ko kagabi na hindi iyon pansinin. Muntik muntikan ko na ngang hawakan iyon. At kung natuloy lang siguro ang paghawak ko sa kanya ay malamang baka natikman ko pa. Kahit nasasagi na ng kamay ko ang kanya ng bihisan ko siya ay pigil ko ang sarili ko na huwag iyong ikulong sa mga palad ko.

Pasalamat na lang ako kay inay talaga dahil nagising ako sa pagnanasang iyon na nabuo sa isip ko.

Ngayon tatawa tawa pa itong lumayo at bumalik sa silid nito para magbihis.

Tangna!

Kinalma ko muna ang sarili ko saka ko muling itinuon ang pansin ko sa kung anong laman ng ref niya. Maraming gulay at may karne din sa freezer.

Kumuha ako ng isang pirasong isda. Ipriprito ko iyon at lalagyan ng sause na kamatis na may itlog. Saka naman ako kumuha ng isang supot na karne ng baboy. Marahil ay nasa kalahating  kilo at i aadobo ko saka ako kumuha ng brocolli at i stir fry ko na lang.

Ng makuha ko na lahat ng kakailanganin ko ay sinimulan ko ng hugasan at himayin ang dapat himayin at hugasan saka na ako nakialam sa kusina niya kung nasaan ang mga gamit niya lutuan. Hanggang sa simulan ko na ang magluto. Nagsain na rin ako ng kanin sa rice cooker niya.

"Mmmm! Ang bango naman."nagulat pa ako ng biglang pagsulpot niya sa likuran ko at kung hindi ko hawak ng mahigpit ang hawakan ng kawali ay malamang laglag iyon sa sahig. Pero ang lukong Clark na ito. Hindi naman yata sa ulam ang tinutukoy niya dahil nakasubsub ito ng kaunti sa balikat ko.

Mmmmm! Mabango naman talaga ako ah.

Hehe! Dibali na nga.

"Malapit na akong matapos. Maupo ka na doon at ipaghahain ko na ito maya maya."utos ko sa kanya.

"May maitutulong ba ako?"

"Wala, dahil tapos na."

"Eh! Magsasandok na lang ako ng kanin. Luto na ba?"tanong niya pero nilapitan niya kung nasaan ang rice cooker saka niya iyon tinignan. "Luto na nga."

"Sige, kung tutulong ka na lang din. Kumuha ka na ng pinggan mo at kutsara."

"Bakit pinggan ko lang? Hindi ka ba kakain?"nakatingin na tanong niya sa akin.

"Nag meryenda ako bago ako nagpunta dito kaya busog pa ako."sagot ko sa kanya pero lumabi lang siya.

"Nagmeryenda ka na pala bakit hindi mo ako niyaya."parang batang nagmaktol ito.

"Bakit? Nasaan ka ba ng nagmeryenda ako. Diba nandito ka sa bahay mo."

"Di sana dito ka na lang nagmeryenda ng makasabay ako. Kaya sa susunod na pumunta ka dito huwag kang magmeryenda."

"At bakit naman? Hindi naman trabaho ng assistant mo ang kasama ako lagi diba. Kaya huwag ka ng magreklamo diyan. Kumuha ka na ng pinggan mo ng nakakain kana."utos ko dito pero tinignan lang niya ako ng masama. "Oh! Bakit ganyan ka makatingin? Hindi naman mabigat iyong sinabi ko."tanong ko sa kanya. Minasama ba niya ang pang uutos ko sa kanya?

"Itapon mo na lang iyang mga niluto mo, di na ako kakain."sabi nito saka padabog na binitawan ang takip ng rice cooker saka lumabas ng kusina.

Anong problema niya. Naiiling na lang akong sinundan siya ng tingin. Lakas din pala ng topak ng isang iyon. Bigla na lang magdadabog ng walang kada kadahilan.

Ipinagpatuloy ko parin ang ginagawa ko. Naglagay na ako ng dalawang pinggan para saluhan siya. Tingin ko iyon ang ipinagdadabog niya ng sabihin kong hindi ako makikisabay sa kanya sa pagkain.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon