#37: Leo

11.4K 403 102
                                    

"Babe." Sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon pero sumidhi ang kirot sa mga sugat ko sa katawan kaya muli akong napahiga.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa hospital ako. Panigurado ko iyon ng itinaas ko ang kamay ko na may suwero. Saka ko napansin ang isang bulto ng katawan sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.

It was Clark. My babe is in deep sleep.

Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Ang huling natatandaan ko ay ang pauwi na ako ng bahay ng tambangan ako ng mga kalalakihan. At dahil medyo may tama na ang nainum kong alak ay hindi ako masyadong nakalaban sa mga ito at tinangay ako. Hanggang sa napagtanto ko na pakana lahat ng amahin ko ang pagpapadukot sa akin at pinabugbug ako sa mga tao niya habang nakatali ang dalawang kamay ko at mga paa. At kahit gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko nagawa.

Hanggang sa sabihin ng amahin ko na pati si Clark ay kailangan nila at paghihigantihan sa lakas ng loob niya na palayasin ito sa buhay ng inay. At ang malaki daw na pagkakamali niya ay ang bigyan siya nito ng malaking halaga.

Kaya naman nagalit ako dito at pinagmumura na iyon na lang ang nagawa ko na siyang dahilan para mas lalong pagpyestahan akong bugbugin ng mga tao niya hanggang sa tuluyan na akong nanghina at dahil sa nakainum ako ay madali akong nawalan ng malay at hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.

And now! Here he is. Binabantayan ako. Pero ano ang ginawa niya? Well, hindi ko malalaman kung hindi ko tatanungin hindi ba?

Kaya naman kumilos ang mga kamay ko para abutin ang mukha niya at masuyong hinaplos ko siya sa pisngi.

Gumalaw siya at agad na nagising.

"Baby, your awake. Okay ka lang ba? Masakit pa ba ang katawan mo? Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain? Gusto mo bang uminom? Tatawagin ko lang ang doctor mo." Tumayo siya at nakitaan ko ng pag aalala ang mukha nito na agad na nakapagpangiti sa akin. Na siya nakapagpapabilis ng tibok ng puso. "Sandali lang." Hinuli ko ang kamay niya at pinigilan siya na nakapagpalingon sa kanya sa akin.

"Im okay babe. Just hug me and give me a kiss." Sabi ko sa kanya na agad na tumalima at niyakap ako. Napaigik naman ako sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya sa akin.

"Im sorry, dahil wala ako kinuha ka ng gagong iyon. Hindi ka sana nasaktan ng ganito." Sabi niya ng niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay dinampian niya ako ng halik sa labi.

"Shhh! Naging pabaya din kasi ako babe,kaya huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan." Sabi ko sa kanya. "Pero anong nangyari sa kanila?"

"I killed them." Buong buo ang boses na sagot niya sa akin at biglang nanggalaiti sa galit sa pagkakaalala yata sa amahin ko.

"Paano ka nakapunta doon? Wala na kasi akong maalala dahil nawalan ako agad ng malay dahil sa pagpapabogbog sa akin ng hayop na iyon. At nagising na lang ako ngayon. Nasa hospital na ako."

"They called me. They used your phone to call me. And send me your picture. So I got there at no time."

"What? Don't tell me, ikaw lang ang mag isa nagpunta? Hindi ka ba nasaktan?"

Tumango siya pero agad naman na nagpaliwanag. Sa una daw siya lang mag isa nagpunta kung saan ako dinala at hindi daw inisip na pwede siyang mapahamak dahil nag iisa siya. Pero sinundan daw siya nina Clyde at tumulong sa kanya to end thier lives.

"You silly. Whay if naunahan ka nila. Kaysa mailigtas ako ay mas nauna ka pa sa akin." Nakasimangot na paninita ko.

"Hindi ko na naisip iyon. Ang nasa isipan ko na lang ng mga oras na iyon ay ang mapuntahan ka at mailigtas. Makuha ka sa mga kamay nila at makitilan na sila ng buhay. I don't even know what exactly happened because in my mind is only you." Mahabang sagot niya saka niya hinaplos ang pisngi ko.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now