#23: Leo

14.8K 520 56
                                    

"Kailangan ba talaga na dito tayo lumipat anak?"tanong ng inay habang naglilipat bahay kami. Nagbababa ng kaunting gamit na nakuha namin sa bahay dahil ang iba doon ay iniwan na namin dahil nagpasya si Inay na paupahan na lang iyon at may gustong umupa naman agad.

"Ayaw niyo po ba inay? Maliit lang naman ito."si Clark na ngayon ay nakasunod na pay bitbit na may kalakihang karton kaya naman agad akong sumalubong sa kanya para tulungan siya iyong ibaba.

"Hindi naman sa ganun Hijo. Pero masyado yatang malaki ito para sa aming dalawa ng anak ko."sagot ni Inay at patuloy sa paglinga linga sa buong bahay.

Dalawang palapag ito. May dalawang silid sa itaas at sime sala sa pinakagitna ng dalawang kwarto. At sa unang palapag naman ay may isa pang silid at kasama na ang maids room. Sala na sa kaliwa ay kanugnug ang may kalawakang kusina na tanging malaking kabenet ang nagsisilbing harang ng dalawang parte ng bahay. At bawat silid ay may sarisariling banyo. At isa pa sa may kusina at sa maid room.

Makawak nga sabi ng inay. Pero ito na ang pinakamaliit kumpara sa dalawang naunang ipinakita sa akin ni Clark kaya naman ito na ang pinili ko para sa aming tatlo gaya nga ng sabi niya.

"Ito na ang pinakamaliit sa naunang dalawa naming pinagpipilian ina."ako naman ngayon ang sumagot.

"Darating ngayon si Nora. Hiniram ko muna kina mama ang isa sa katulong sa bahay, para tumulong sa pagsasa ayos dito. Tapos saka na tayo kukuha ng isang katulong para makasama niyo naman dito sa bahay sa tuwing busy si Leo na nag aaral inay."sabi naman ni Clark.

Ayaw man pumayag ni inay doon sa sinabing katulong ay wala na itong nagawa dahil buo na ang pasya ni Clark. Siya naman daw ang magpapasahod doon kaya walang aalalahanin.

"Bahala ka na hijo. Kahit ayaw ko naman, iyon naman ang gusto mo. At maraming salamat dito sa bahay at pagtulong mo sa min."

"Nako wala iyong anuman inay. Kasi mas malapit na ito sa tinitirhan ko para kapag may lakad kami ni Lion. Ay mabilis lang na makakarating siya sa akin."

Tumango ang ina at muling nagpatuloy sa ginagawang pagsasaayos.

Sa ibabang silid ang inukupa ni inay katabi ng maids room. Ako naman ay sa kaliwang silid sa taas, at kay Clark naman daw ang isa sa kanan. Pero para namang magagamit iyon kung hindi niya ako tatalunin sa silid ko kung nandito siya.

Naging abala na kami sa pagsa saayos ng mga gamit namin hanggang sa dumating na nga si Nora ang sinasabi ni Clark na isa sa katulong na hiniram niya sa bahay nila at may mga dala dala ng sang katambak na grocery. Binili na ba nito ang lahat ng pwedeng mabili sa supermarket?

Kaya naman tinulungan ito ng inay na dalhin iyon sa kusina at tumulong na sa pagsa saayos non doon. Kami naman ni Clark ay nagtulungan sa pagsasaakyat ng mga gamit ko sa silid na inukupa ko. Pero ang lukong Clark, kakapasok pa lang at kabababa namin ng dala namin ay agad niya akong itinulak sa kama ng mailock ang pintuan.

"Clark, maghunusdili ka."pigil ko sa kanya saka ko sinabayan ng tayo pero muli niya akong itinulak pahiga doon at nakangiting kinakalas ang butones ng pulo nito. "Clark ano ba, tigilan mo ako." gigil na naasar na naman ako sa kanya dahil sa kapilyuhan niya pero wala na naman siyang pinakikinggan.

"Mmmm! Just once Baby Lion." sagot nito saka siya pumaibabaw sa akin ng makalas na niya ang mga butones ng polo niya pero hindi naman niya inabalang tanggalin iyon sa katawan niya.

Hinalikan ako sa labi, ayaw ko man sanang tumugon para tumigil siya pero lintik na labi ko, ayaw sumunod sa iniisip ko dahil kusang nakipagsabay sa paghalik na sa kanya.

Damn! Hindi ako makatanggi dahil ang sarap talaga ang halikan siya at nakakadala sa galing ng paggalaw ng labi niya sa labi ko.

"Hmmmm!." Pigil ko ang mapaungol ng malakas ng sakupin na niya ng mga labi ang isa sa itoktok ng dibdib ko baka kasi marinig kami ni Inay na nasa ibaba lang.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now