#9: Clark

13.6K 529 83
                                    

Natawag ang pansin ko sa dalawang imahe sa hindi kalayuan kung saan ako humila ng kasayaw ko.

Akala ko umalis na siya kanina dahil napansin ko naman na wala siyang interest sa mga ganito.

Nakita kung hinila siya ng isang babae at ipinulupot ang kamay sa leeg niya na talaga namang wala ng pagitan ang mga katawan nila. Halata na nilalandi siya ng babae na hindi naman siya nakaiwas. Sino ba ang hindi manginginming landiin ito. Kahit halatang nasa teen palang ang edad niya ay talaga naman na may pamana. At dagdag pa sa taglay niyang gandang lalaki ang hiwa sa kilay niya.

Alam kong hindi iyon basta trim lang ng kilay. Dahil halata doon kanina ng titigan ko siya na may pilat siya doon. Gawa siguro iyon ng mga nakakalaban niya. Dahil ng una ko itong makita at talaga namang lapitin siya ng gulo.

He has rugged handsome face. Seryuso na parang hindi yata alam ngumiti. Kaya naman kanina, ay hindi ko napigilan ang biruin siya. At tama ako ng hinala, na hindi basta ito nabibiro. Pero ang gaya niya ang masarap asarin. Dahil lalo itong seseryuso at mag didikit ang mga kilay na parang mananapak na agad kapag hindi nagustuhan ang biro mo.

"Sorry, but thanks for sparing time with me."sabi ko sa kasayaw ko saka ko siya iniwan.

Nakangiti ako habang palapit na palapit sa dalawang nagsasayaw. Hindi ko pa pala alam ang pangalan nito. Paano ko ba kasi tatanungin kung halata naman na ayaw magpakilala. Pero ngayon, sigurado akong malalaman ko ang pangalan niya.

Ng makalapit ako ay pilyong ti apik ko siya sa pwetan niya dahilan para naging marahas ang paglinga sa akin at nabitawan ang kasayaw.

Kung hindi lang siguro ako namukhaan ay siguradong dumapo na ang kamao niya sa akin na napansin kung nakakuyon na ang mga iyon.

Pero hindi ko pinansin ang panggigil niya. Ang sarap niyang pagmasdan sa pagkakadikit ng mga kilay niya na masamang nakatingin sa akin.

What a fearless young man?

"Want to share her with me?"tanong ko sa kanya na halata na pinipigilan ang sarili sa galit.

Hindi na siya umimik kaya naman nilapitan ko ang babae at bago pa man ako makalapit sa babae ay muli kung pinalo siya sa pwetan niya at bahagyang pinisil iyon.

Haha! Ewan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin iyon. Nakakagigil kasi siyang pagmasdan kapag ganito na nanginginig siya sa galit.

"M-master. Master Clark."nabanggit ng babae na bahagyang yumuko bilang paggalang sa amin.

"Yeah!" Nakangiting tinitigan ko ito na nanginig yata ng makilala ako. "Lift up your face. Now answer me. Who you want to dance with. Me or he?"tanong ko sa babae na agad na nagtaas ng tingin sa akin.

Napatingin pa ito sa kanya bago muling tumingin sa akin.

Halatang malaki talaga ang pagkagusto ng babaeng ito sa kanya at nag aalangan sa isasagot sa akin. Natatakot sigurong tanggihan ako. Pero kapag ako ang pinili niya. Alam na this. Hindi siya dapat pagkatiwalaan.

"Sorry master Clark. Pero, mas gusto kong kasayaw si Leo."mahina at halatang nanginginig ang boses dahil sa sagot niya. But I smiled at her.

Well, siguro nga gusto nito talaga siya. At tinanggihan ako. And his name was Leo. So, how to tamed Lion then? With a fierce look in his eyes now looking at me.

"Nice choice, go on. Hindi na ako makikisalo sa inyo."sagot ko sa babae na halatang nakahinga ng maluwang saka ko naman binalingan si Leo.

"Your name suit in your appearance."bulong ko sa kanya na bahagyang umatras ng ilapit ko ang mukha ko sa tainga niya. "Leo, like a wild Lion king in the jungle." At bago pa man siya makasagot ay iniwan ko na sila baka kapag nagtagal pa ako ay hindi na siya makapagpigil at masuntok pa niya ako ng wala sa oras.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now