#10: Clark

13.3K 530 76
                                    

"Ayan!" Sabay abot sa kanya ang nilagdaan kong tseke na naglalaman ng 100k bilang bahagi niya sa pagsama sa akin sa pakikipagkarera ko ng makabalik na kami ng MC. Ng hindi naman niya sabihing sinayang ko lang ang oras niya.

"Para saan iyan. Hindi ko naman tinanggap ang trabahong inaalok mo." Patanong na sagot niya sa akin na hindi kinuha mula sa akin ang tsekeng inaabot ko na nakapag painis na naman sa akin.

"Bakit ba ang dami mong tanong. Tanggapin mo na lang dahil balato ko iyan sayo. At kung tatanggapin mo ang alok kong trabaho sayo. Hindi lang iyan ang matatanggap mo."inis na sagot ko sa kanya pero wala parin siyang kakilos kilos para tanggapin ang tseke mula sa akin.

Kaya naman kumilos ako para lumapit  sa kanya. Ng bigla niya akong itulak ng malakas palayo sa kanya.

"Bakit ka ba nanunulak?"asar na tanong ko sa kanya. At kung hindi ko nabalanse ang katawan ko ay siguradong mapapasadsad ako sa semento.

"Bakit anong binabalak mo at lumapit ka ng ganun kalapit?"balik tanong niya sa akin.

Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit? Ano ba ang iniisip mong gagawin ko kaya ako lumapit ako sayo."natatawang balik tanong ko sa kanya. "Inaasahan mo ba na hahalikan kita." tanong ko na nagpakunot na naman ng nuo niya kaya naman ang asar ko sa kanya ay tuluyan ng nawala at naaliw akong pagmasdan ang galit niyang mukha na nakatingin sa akin.

What a cute angry Lion he is.

"Tigilan mo ako. Dahil hindi nakakatawa ang biro mo."galit na paninita niya.

"Haha! Haha! Hahaha!."hindi ko talaga mapigilan ang matawa. "Kung makapag react ka naman kasi sa paglapit ko sayo ay parang may gagawin akong hindi mo magugustuhan." sabi ko pa sa pagitan ng pagtawa.

What the fuck? Bakit naku kyutan ako sa kanya kapag galit siya. Damn! Hindi ko talaga mapigilang maaliw sa kanya.

"Dibali kung hahalikan kita siguradong magugustuhan mo."pagbibiro ko pa at talagang sinabayan ko pa ng malakas na pagtawa na lalong nagpadikit sa mga kilay niya.

Pero dahil sa hindi ko mapigilang pagtawa ay naasar na yata talaga siya sa akin dahil bigla niya akong sinuntok na nakapagpatigil sa akin.

Sapo ko ang pisngi ko sabay pilig ng ulo ko dahil nahilo ako sa ginawa niya at marahas na tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Fuck! Bakit ka ba nanununtok."galit kong tanong sa kanya. And damn it! Ang lakas ng kamao niyang dumapo sa pisngi ko at talaga naman na nahilo ako. Nawala tuloy sa isip ko ang dahilan ng pagtawa ko kanina.

"Ayaw na ayaw ko ang tinatawanan ako. Kaya kasalanan mo iyan." galit na sagot niya saka niya ako tinalikuran at nagsimula ng lumayo sa akin.

Pero ang akala ba niya ay papalampasin ko siya sa pagsuntok niya sa akin. Pwes nagkakamali siya.

Mabilis ang ginawa kong paglapit sa kanya at hinila ko siya sa kaliwang braso at mabilis na dinapuan ko din siya ng kamao ko sa mukha niya na tumana sa pisngi niya.

Ito naman ngayon ang napailing at napadura pa bago tumingin sa akin.

"Ayan patas na tayo. Sa susunod. Sabihan mo ako kung manununtok ka para makapaghanda ako. Hindi iyong basta ka na lang nanununtok." sabi ko sa kanya at itinuloy ang paglapit ko sa kanya. Pero bago pa man siya makabawi ay agad kong isinilid ang tsekeng hawak ko sa maliit na bulsa sa t-shirt niya sabay tapik pa doon.

"Ayan! Para hindi mo sabihin may gagawin akong masama sayo sa paglapit ko. Masyado ka kasing advance mag isip. Akala mo naman gusto kitang halikan. Hindi lahat ng nakikilala mo, at hindi ako gaya ng mga customer niyo sa club na pinag tra-trabahuan mo na ang katawan lang ang habol sayo. Kaya ibahin mo ako sa kanila."seryusong sabi ko sa kanya. "Maayos at maganda ang alok ko sayo. Kaya nasa sa iyo na iyan kung tatanggapin mo." At bago pa man niya ulit ako matalikuran ay inunahan ko na siya sa pagtalikod.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now