#13: Leo

14.3K 528 78
                                    

Mabilis na umalis ako sa pintuan ng makita kong papasok na si Clark saka mabilis na akong bumalik sa likod bahay.

Sinundan ko na ito kanina ng medyo nagtagal na siya sa banyo pero hindi pala siya sa banyo nagtuloy. Nakita kong kausap nito ang amahin ko na kampanting nakatayo isang metro ang layo dito.

Nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon niya. Hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba pero  nausisa ako. Bakit kailangan nilang mag usap? Anong sasabihin ni Clark sa amahin ko? Kaya naman nakinig ako.

Kaya nasagot ang katanungan kong iyon. At hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil kaya kong hawakan sa leeg ang amahin ko.

Pero ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon sa mga labi niya. At walang kislap na mga mata pero ang lalalim kung makatingin. At may malalim na ipinapahiwatig. Kasamaan. Na parang sa tingin na iyon ay nagbabadya ng kapahamakan. Na para bang nagsasabi ng kamatayan kung sino ang tatapunan ng mga tinging iyon.

At sa tanong niyang ano nga bang kayang gawin ang mukhang mayroon siya.

Wala! Iyon ang sagot ko. Kung sa maamong mukha at pilyong ngiti niya ko ibabase ay wala siyang magagawa laban sa amahin ko liban na lang kung mag utos siya ng para kalagan ito. Para patahimikin ito. Pero kung sa nakita kong ngisi niya kanina at matang nasa kawalan kung tumingin ay kaya nga nitong gawin ang kaya kong gawin sa amahin ko.

Mabait sa panlabas at parang santo pero may halimaw na nagtatago sa panlabas niyang anyo. Isa ba ito sa katauhan ni Clark? Siguro nga.

Pero hindi na ako nagpahalata sa kanya na narinig ko ang usapan nila ng amahin ko ng bumalik siya. Tinignan ko siya at nandoon na naman ang ngiti niya na parang wala siyang ginawang kahinahinala. Ang pilyong ngiti na hindi gaya kanina na ngiting halimaw. Na kahit ano mang oras kapag kinanti ay may kalalagyan ka.

"Ang tagal mo yata? Masama ba ang pakiramdam mo. Gusto mo pa bang uminom?" tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit siya natagalan.

"Nope! Im fine. At saka sino nagsabi sayo ayaw kong uminom. Naku, hindi ko aatrasan ang alak, lalo pa ngayon, sariling gawa mo ang pulutan natin."

"Okay, saglit lang ito. Iihaw ko lang saka ko isasalang sa loob kapag tapos ko na dito."

"Need help?"

"Huwag na. Kaya ko to. Umupo ka na lang diyan at panuurin ako."tanggi ko sa sinabi niya. Pero umiral na naman yata ang kapilyuhan niya sa isinagot sa akin.

"Haha! Gusto mo lang yatang makita ko if how your butt moves."natatawang sabi niya na nakapagpalingon sa kanya at may pilyong ngiti nga sa mga labi niya.

At paanong ang isang ngiting ganyan ay may isa pang ngiti na nagtatago doon gaya kanina. At sino ang mag iisip na may halimaw itong itinatago sa kanyang pagkatao.

"Tigilan mo ako. Baka gusto mo batuhin kita nagniningas na uling."gigil na sita ko sa kanya.

"Haha! Ayan ka na naman. Saan ka ba pinaglihi ni Inay ng ipinagbubuntis ka niya at hindi ka mabiro."natatawang sabi pa niya sa akin.

"Shut up.!" Pero habang pinagmamasdan ko siya habang tumatawa ay nakakaaliw naman sa paningin at ang ganda sa pandinig ang halakhak niya. "Isa pa. Kapag hindi ka tumigil babatuhin na talaga kita."banta ko. Pero as if naman kaya kong batuhin siya ng uling.

"Siya, titigil na ako. Haha! Tutulungan na nga kita. Marunong din naman ako mag ihaw. At hindi lang manibela ng sasakyan ang kaya kung hawakan."sabi niya saka lumapit na sa akin. "At hindi lang panipit na ito ang kaya kong hawakan. Pwede ding dito humawak ang kamay ko." At saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin dahil mabilis pa sa alas kwatro na humawak ito sa kaliwang pisngi ng pwetan ko at pinisil pa iyon.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now