#32: Leo

9.4K 360 31
                                    

"Kamusta ang bakasyon mo?"tanong sa akin ni Dante ng pumasok na ako ng sumunod na araw. Agad itong sumalubong sa akin. "Hindi ko lubos maisip na may relasyon kayo ni Master Clark." Naiiling pa ito habang sinasabi iyon.

"Yeah! So what now! May problema ba doon?" tanong ko dito. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil sa pakikipagrelasyon ko kay Clark. Eh sa kanya tumibok ang puso ko. At masaya ako dahil siya ang minahal ko at hindi ko iyon pinagsisisihan.

"Wala namang problema doon. Pero hindi ko lang talaga akalain na sa lalaki ka din magkakagusto." Sagot nito sa akin. "Pero matanong kita huh! Mahal mo ba talaga si Master Clark. O pera lang niya ang habol mo. Dahil alam naman nating walang wala kayo."

Sa sinabi nito ay naging marahas at masama ang pagtingin ko sa kanya at kinuwelyuhan siya. Pasadsad na itinulak pasandal ko siya sa pader. Hindi ko na naisip na kaibigan ko ito dahil sa sinabi niya.

"Hey! Fuck! Leo bitawan mo ako." Kunot nuo itong kinakalas ang kamay ko sa kwelyo ng damit niya pero hindi ko ito pinakinggan.

"Sabihin mo na ang lahat, huwag lang ang bagay na iyon dahil hindi maganda sa pandinig ko." Galit na sabi ko dito. Gigil na gigil ako at parang gusto ko ito ngayong pagsusuntukin at putulin ang dila nito.

"Ano ba! Bitawan mo ako Leo. Nasasakal na ako." May galit na ding nakahawak sa kamay ko ang kamay niya at nakipagsukatan ng tingin sa akin.

May mga estudyante na ding nag sitinginan sa aming dalawa pero walang nangahas na lumapit para umawat sa amin.

"Hindi ko pa man siya nakikilala ay alam mong kaya kong kumita ng malaking halaga sa malinis man o sa masamang paraan at alam mong wala hindi ko ugali ang huthutan ang isang taong marami ang pera. Dahil mas gugustuhin ko pang kumain na nag uulam ng asin kaysa ang kumain ng masasarap ng hindi ko naman pinaghihirapan at pinagpapawisan." Mahabang lintaya ko dito at mas diniinan pa ang pagkakakwelyo ko sa kanya dahilan para masakal na ito ng tuluyan.

"Leo, t-tama na. F-fuck. H-hindi na a-ako makahinga." Namamaos ng boses nito dahil medyo umangat na ang paa niyo sa semento pero parang wala na akong narinig dahil binalot na ng galit ang isip ko at paulit ulit na bumabalik ang sinabi nito sa akin na pera lang ang habol ko kay Clark.

"Mr. Sebastian. Anong kaguluhan ito?" Isang tanong na nakapagpalingon sa akin pero hindi ko parin binitawan si Dante. Si prof. Kylly ang sumita sa amin. "Bitawan mo si Dante, Mr. Sebastian."

Muli kong tinignan si Dante. Na ngayon ay hirap na sa paghinga. Dahil na rin sa sinabi ni prof.  binitawan ko na nga si Dante padaosdos na napaupo ito sa sahig na inuubo at habol ang hininga.

"Sa susunod, pipiliin mo ang sasabihin mo. Dahil hindi ako mangingiming gilitan ang leeg mo kahit kaibigan pa kita." Mahinang tinig na sabi ko sa kanya.

Hindi na ito nagsalita at matalim na tumingin ito sa akin pero hindi ko na pinansin iyon at tinalikuran siya. Kahit masira pa ang pagkakaibigan namin ay wala akong pakialaman huwag lang niya akong pagsasabihan ng ganun.

"Mag usap tayo Mr. Sebastian."si prof. Kylly. "Sumunod ka sa opisina ko." Ayaw ko man sana ay sumunod parin ako. May ibang nakatingin sa akin at ang iba kay Dante. Nagbubulungan.

"Bakit po prof.?"tanong ko agad ng marating namin ang opisina nito at kampanting sumundal sa gilid ng mesa nito.

Hindi ako nagpakita ng kaunting takot dito dahil hindi naman dapat. Kahit ipa suspend niya ako sa ginawa ko ay okay lang. Hindi ako magrereklamo.

"Hindi sa aayunan kita dahil boyfriend mo ang isa sa anak ng kaibigan ko pero sabihin mo muna sa akin ang dahilan bakit mo sinakal ang ka klase mo at muntik mo pang malagutan ng hininga." Panimula nito.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant