#26: Leo

12.7K 490 94
                                    

Didecated to:
ashinjunified & CONFUSEDcurious
For the endless votes to
Falle'n Inlove With My Wife Brother
****
Thank you so much
****
At sa lahat ng sumusuporta sa mga kwento ko, maraming salamat sa inyo.
Love lots!
*****

*****

"Hindi na ba mababago ang isip mo sa bagay na iyan anak?"pang limang ulit ng tanong sa akin ng inay matapos akong magtapat sa kanya about me and Clark. That we are on relationship.

"Hindi na magbabago ang pasyo ko inay. Kaya nga po sinabi ko sa inyo ng mas maaga dahil ayaw kong maglihim. Ayaw kong itago sa inyo na kung sino ang taong minamahal ko ngayon. At iyon ay si Clark, inay."

"Pero-."

"At sana po matanggap niyo kung ano ako. Matanggap niyo ang taong mahal ko. Na matanggap niyo kaming pareho."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni inay dahil sa mga sinabi ko. Tumitig ito sa akin.

Pilit man ang naging ngiti nito ay yumakap ito sa akin. Alam ko naman na mahirap tanggapin ang mga sinabi ko sa kanya na ang kaisa isa niyang anak ay makikipagrelasyon sa isa ding lalaki. Na isang bisexual.

"Hindi ko na nga siguro mababago ang pasya mo. Pero paano siya anak? Paano kung laro lang sa kanya ang relasyon niyo." May pag aalalang tanong pa nito sa akin.

Ngumiti ako dito. "Sigurado akong seryuso din siya sa akin inay. Kaya huwag kayong masyadong mag alala sa akin."

"Hindi sa nakikialam ako anak, pero tanggap ba ng pamilya na isa din siyang gaya mo? Na sa isang lalaki din siya nakikipagrelasyon? Anak mayaman sila. Mahirap lang tayo."

"Hindi ko pa man nakikilala ang mga magulang ni Clark, inay. Ay alam kong mabait sila. Tignan niyo naman kung gaano siya kabait sa atin. At hindi issue sa kanya ang estado natin sa buhay."

"Anak, sana nga. Hindi lang panandalian iyan. Sana hindi ka magsisi sa mga gagawin mo pang disesyon para sa sarili mo."

"Hinding hindi po ako magsisisi inay. Dahil bago ko pa man pinasok ang bagay na ito ay napag isip ko na iyan ng isang daang beses kong tama ba ang papasukin ko. So here I am now. Telling you the truth."

Muli itong napabuntong hininga sa sinabi ko. Alanganin parin ang naging ngiti nito sa akin. Pero pasasaan ba. Matatanggap din niya ako, kami ni Clark ng buong buo. Hindi man ngayon pero sa hinaharap. Ang mahalaga ngayon ay nasabi ko na dito at hindi ko na kailangan pang itago. Lalo nat siguradong palaging dito maglalagi si Clark kapag ayaw kung pumunta sa bahay niya. Kaysa naman sa patago kaming nagsasama. At least ngayon kampanti na ako na kahit makita kami ng inay na magkasama ay wala na akong aalalahanin pa.

"Hala, sige. Basta gusto kong kausapin din ang boss mo ng masinsinan. Gusto kong makasiguro na seryusondin siya sa pinasok niyong dalawa."

"Salamat inay." Muli ko itong niyakap saka na ako nagpasyang magpaalam para masabi ko kay Clark na gusto itong makausap ng inay. Kaya naman may ngiti ako sa labing lumabas sa silid ng inay at tinungo ang silid ko na alam kong doon nagtungo si Clark kanina.

Pero tulog na Clark ang naabutan ko sa silid ko na mahinang naghihilik na. Napagod ba ito sa pamimili namin? Marahil nga dahil halos buong araw ba naman kami sa pamimili at sinamahan na din ng pamamasyal.

Nilapitan ko siya. Well, nakapagpalit pa naman ng damit bago nakatulog. Maingat na umupo ako sa gilid ng kama. Napangiti ako na pinagmasdan siya at hindi mapigilang hindi haplusin ito sa pisngi.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now