#30: Leo

10.2K 400 67
                                    

"Nasan ang inay, Cynthia?"tanong ko ng hindi ang inay ang sumalubong sa amin ng makarating kami galing Japan.

"Nagluluto po sir, para sa pagdating niyo." Magalang naman na sagot nito sa akin pero may kung anong sulyap ang itinapon na tingin niya sa babe ko.

"Bakit siya pa ang nagluluto? Eh anong ginagawa mo?" Hindi ko mapigilang tanungin at langkapan ng inis dahil nakatingin siya sa babe ko.

"Gusto ko po sana sir Leo pero sabi po niya siya na lang daw. Dahil gusto niya na ipagluto kayo ni sir Clark?"sagot nito.

"Ganun ba? Sige, pakihila na lang ang maleta ko." pang uutos ko na lang dito habang hila ko naman ang maleta ng babe ko. Hindi ko gusto ang titig nito sa kanya.

"Sige po sir."agad naman itong tumalima para hilain iyon pasunod sa amin ng babe ko. Agad naman kaming sinalubong ng inay ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay.

"Kumusta ang bakasyon niyo?"tanong nito agad sa amin. At pareho kaming sinalubong ng yakap at halik sa pisngi ni Clark saka muling lumayo sa amin.

"Okay lang naman po inay." Siya ang sumagot na sinabayan ng akbay sa akin. "Marami po kaming pasalubong sa inyo." Nakangiti pa nitong dagdag.

"Naku nag abala ka pa talaga, diba sabi ko naman sa inyo na hindi na kailangan ng maraming pasalubong basta makauwi kayo ng maayos at ligtas."

"Okay lang iyan inay."sabi ko. "Hindi po nagpapigil ang babe ko eh. Kayo po kumusta naman kayo dito habang wala kami?"

"Hala ganun ba. Okay lang naman ako anak. Sige, magpahinga na muna kayo, at halata sa mga mukha niyo ang pagod. Ipapatawag ko na lang kayo mamaya kay Cynthia kapag tapos na akong nakapagluto." Nakangiti nitong sagot sa amin.

"Sige po inay." Halos panabay na sagot namin kay inay. Nagkatinginan pa kami saka nag ngitian.

"Ako na ang hihila niyan Cynthia." Pagkuway kinuha naman ng Babe ko ang maleta dito ng pasunod ito sa amin ng paakyat na kami.

"Salamat po sir Clark."

"Ok lang. Mabigat kasi mahihirapan ka lang magpanhik nito sa taas."

"Lets go babe." Sansala ko ng makita kung paano tumingin si Cynthia sa kanya at may kiming ngiti na para bang nag papa cute ito sa kanya. Bakit pakiramdam ko talaga ay may kakaibang ipinapahiwatig ang mga tingin nito sa kanya. Pwes, kung ganun man. Huwag lang itong magkakamali. Dahil hindi ko iisipin na babae siya kapag gumawa siya ng hindi ko magugustuhan.

Pahila pa na hinawakan ko ang kamay niya para hindi na siya magtagal na makipag usap dito na hindi naman dapat. Wala naman akong problema sa babe ko dahil hindi ko naman nakitaan ng kahit na anong pagkagusto kay Cynthia at blanko lang ang tingin na ipinupukol niya dito. But I really don't like Cynthia the way she looked at my babe.

"Uuwi pala ako mamaya sa bahay para ibigay ang pasalubong na binili natin para kina mama. Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya pagkuway ng makapasok na kami ng silid ko. "Para maipakilala na din kita sa kanila." At may ngiti pa siya sa labi. Binitawan ang maletang hawak saka lumapit sa akin at ipinulupot ang mga braso sa baywang ko.

"Sige, sasamahan na lang kita." May ngiti din sa labing sagot ko saka ko naman ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Hindi kaya nila ako tutukan ng baril at sabihing layuan ka?" Panghahalo ko ng biro dahil medyo nakaramdam ako ng pag kailang na makikilala at ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Pero nasa isip ko talaga ang bagay na iyon. Hindi posebleng mangyari iyon. Isa pa, mayaman sila. Ako, mahirap lang. Kung talagang titignan ay walang wala talaga ako kumpara sa kanya.

"Silly." Tumawa pa siya saka dinampian ako ng halik sa labi. "Both of my parents ay mababait. At hindi nila pakikialaman ang magiging relasyon ko at kung kanino ako makikipag relasyon. Saka hindi tayo nasa telebisyon na kokontra ang mga magulang sa makakarelasyon ng kanilang anak."paliwanag niya. "Saka nakita mo naman ang mga magulang nina master Clyde at Zoey diba. Kaibigan nilang matalik sina Tito Bryant. At walang isyu sa kanila iyon."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now