#20: Clark

15.5K 563 95
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon sa pagtanggi ni Leo sa binibigay ko sa kanya.

Naisip ko na iyon noon pa na kung tatanggapin niya ang alok kong trabaho sa kanya ay bibilhan ko talaga siya ng service para hindi na niya kailangang mag commute pa gaya nga ng sabi ko sa kanya kanina.

Kaya naman kakaiba ang naramdaman ko. Na parang may kumurot sa dibdib ko ng tanggihan niya iyon at ang isa pa sa nagpabigat ng dibdib ko ay ang sabihin niyang pagtratrabahuan niya iyon hindi sa pagiging PA ko kundi sa kama mismo.

Ano bang tingin niya sa akin? Iniisip ba talaga niya na iyon lang ang sadya ko sa kanya kaya ko siya kinuha bilang PA? Hindi ko naman akalain na mauuwi kami sa ganun. Malaking pagkakamali ba na inangkin ko siya at kasalanan ko ba na unti unti ko siyang nagugustuhan sa mga araw na magkasama kami. Oo! Nagugustuhan ko siya bilang siya. Ang maiksi niyang pasensya. Ang palaging lukot na mukha sa tuwing seryuso siya. Nakakatang-ina na naman kasi eh.

At ngayon hindi man niya deretsang sinabi sa akin kanina pero alam ko na ang tumatakbo sa utak niya. Na para na rin siyang tumanggap ng lagay sa sugar daddy niya kung tatanggapin niya ang motor na binibigay ko. Na dahil napaligaya niya ako ay ibibili ko na siya ng mga mamahaling bagay gaya ng motor at iba bang materyal na bagay.

Alam ko naman na mali ang timing ng pagbibigay ko sa kanya niyon. Inorder ko pa iyon sa ibang bansa noong unang araw pa lang na tinanggap na niya ang trabaho sa akin at kaninang tanghali lang dumating kaya naman na excite akong ipakita sa kanya. Pero minasama lang niya iyon. At iyon ang nagpapabigat ng dibdib ko ngayon. Na sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng ganito. Parang ang bigat dalhin. Hindi ako sanay.

At hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin. Kaya naman naghalo halong emosyon ang naramdaman ko. Na nauwi sa isang malamig na mga matang tumingin ako sa kanya kanina. Mga tingin na noon ko pa iniiwasan ipakita sa iba. Kalamigan na nagtatago sa kadiliman.

So this is it. At ng nakahanap ako ng pagkakataon kanina ay mas maigi pang masira na lang ang motor kaysa bawiin ko iyon. Barya lang naman ang pinangbili ko doon kaya hindi ko iyon sasayangin. Hanggang sa nagpasya na akong talikuran ito at lumayo doon. Na kahit mabibigat ang mga paang naglakad palayo sa kanya ay pinilit ko at pilit kung pinipigilan ang sarili ko na lingunin siya.

*****

"M-master Clark. Sorry po pero nawala ang motor dahil tinangay ng lalaki kanina." pagbabalita ng lalaki na isa sa inutusan ko kanina sirain ang motor.

"What do you mean?"tanong ko. "Whos guy?"

"Hindi po namin siya kilala master Clark. Saka isa sa kasama ko ang nasa hospital ngayon dahil napaaway kami dito. Kaya po master Clark. Patawarin niyo kami at naglakas loob na din po akong humihingi ng tulong galing sa inyo para sa kasama namin." mahabang paliwanag niya at may kasamang balita.

"Hospital."pang uulit ko? It could be Lion. Sa loob loob ko. "Sige makakaalis ka na. And about the hospital bill ako na ang bahala doon."sagot ko dito.

"Salamat po master Clark. Tutuloy na po ako at mag rereport pa po ako sa pulis para maipakulong namin siya."

Bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko dahil sa sinabi niya.

"Forget about it."may galit na sabi ko dito na agad naman napaatras sa palayo sa harapan ng desk ko dahil doon. "Don't dare to report to the police or else ako na mismo ang magpapatahimik sa inyo." banta ko dito. "Ako na ang bahala sa lalaking iyon. Kaya wala kayong irereport sa police. Maliwanag ba?"

"M-master Clark."

"Maliwanag ba?"malakas na ulit na tanong ko dito.

"O-opo m-master Clark."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now