MC1 CLARK #6:

13.1K 550 27
                                    

TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!

ºººLEO POV:ººº

Nakatitig ako sa hawak kong calling card dahil nalaman ko sa doctor na nakatalaga kay Inay na Clark Kriston ang pangalan ng taong nagbalik sa nametag na nawala ko kaninang umaga at nagbayad sa bill ng inay sa hospital at ang nakasalamuha ko sa kalye noong nakaraang araw ay iisa lang.

"Ano ang maibibigay mong trabaho kung lalapit ako sayo." naitanong ko habang titig na titig parin ako sa calling card na hawak ko na para bang nasa harapan ko lang siya.

Napag alaman ko ding isa siya sa mga master sa AU. Hindi ko pa lubos na kilala ang pitong Master na kilalang kilala sa pinapasukan kong universidad. Hindi naman ako interesadong alamin at wala akong balak kilalanin sila.

"Pwede na tayong umuwi anak." ang inay ng makapag ayos na ito para makauwi na kami ng bahay. At sa apat na araw na nandito kami sa hospital ay hindi man lang bumisita ang walang hiya kong amahin. Na ipinagpasalamat ko na din dahil hindi ko nakita ang pagmumukha niya na matagal ko ng gustong burahin sa mundo.

Magkaagapay kaming lumabas sa hospital saka na kami dumeretso ng uwi. Hindi na din namin naabutan ang amahin ko sa bahay. Siguro, nasa babae na naman niya ito. Mabuti pa ngang hindi na ito umuwi para wala na akong problema sa kanya at hindi ko na iisipin na masasaktan na naman ang inay.

"Huwag na kayong magtaka ina, subukan niyo ng sanayin at unti untiing kalimutan ang walang kwenta niyong asawa dahil siguradong nasa kandungan na naman iyon ng mga babae niya." Hindi ko itinago ang galit sa mga salita ko sa aking ina. Pero hindi naman na siya umimik dahil totoo naman lahat ng sinabi ko. Hindi naman niya ako masisisi dahil alam niyang may katutuhanan sa lahat ng mga sinabi ko. Nagbubulagbulagan laman ang inay sa lahat ng kagaguhan atbkahayupan ng asawa niya.

"Mali ka lang diyan sa inaakala mo anak." sabi nito saka nagtuloy sa loob ng kwarto nila. And like what I expected. Ipagtatanggol parin niya ang walang kwenta kong amahin.

Sinundan ko ito saka ako sumandal sa hamba ng pinto.

"Hindi ko kayo kinukunsinti ina, pero sana hindi ko na ulit makikitang magkapasa kayong muli, dahil sa oras na mangyari ulit iyon ay hindi niyo na ako mapipigilang patayin ang asawa niyo." seryusong sabi ko sa kanya. "Sige po at may pasok pa ako ngayong hapon. Huwag niyo na ako hintayin sa gabi para kumain dahil dederetso na ako sa pinagtratrabahuan ko."

"Mag ingat ka anak. Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo."

"Ayos lang ako ina hanggat nakikita ko kayong nasa maayos. Sige po, tutuloy na ako." Humalik ako sa pisngi niya ng lumapit ito sa akin saka ako tuluyan ng umalis para pumasok sa panghapon kong klase.

"Kumusta ang mama mo Leo?"

"Maayos na siya at nawawala na ang mga pasa niya sa katawan at mukha." sagot ko kay Marky ng maupo ako sa tabing upuan niya. Nagtuloy kasi kami sa canteen ng matapos ang unang subject ko at may isa pang subject akong dadaluhan bago ako tumuloy sa night club na pinagtratrabahuan ko.

"Mabuti naman kung ganun, siya nga pala iyong itinawag mo sa akin, bakit mo natanong ang pangalan ni Master Clark?" sa kanya ko kasi nalaman ang ibang tungkol dito dahil sa social media na pinagtignan ko ay iilan lang ang nakita kong impormasyon sa kanya.

"Wala naman, may utang na loob lang akong dapat bayaran sa kanya."

"Paano ka naman magkakautang ng loob sa  isa sa mga master ng AU eh halos hindi nga mahagilap ang mga iyon dito at walang nagtatangkang makasalubong ang landas nila." sabi pa nito.

"Bakit naman?" tanong ko kahit hindi naman ako interesado pang malaman.

"Naku naman Leo, kailan ka ba ipinanganak at wala ka man lang kaalam alam sa kanila."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora