#28: Clark

14.2K 435 137
                                    

"Kaylan naman ang balak niyo." Tanong sa akin ni master Clyde ng mamasya sila ni Zoey ng araw na ito sa bahay nila Azami matapos ang kasal nina Dylan at Frank kahapon.

"Wala pa. Patatapusin ko pa siya ng pag aaral." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa gawi nina Zoey, ang baby Lion ko at Azami.

"Magaling din pala ang boyfriend mo eh. May binatbat sa labanan."saad naman nito na gaya ko ay nanunuod sa kanila ng magyaya si Azami na mag match sila.

Ayaw man sana ni Master Clyde dahil baka magkasakitan lang sila ay hindi naman umatras si Zoey. Kumpara sa baby ko at Azami at talagang walang binatbat ang katawan ni Zoey sa kanila dahil talagang maliit ang katawan nito. Para nga itong teenager na petite ang katawan na parang hindi alam ipaglaban ang sarili sa mga predator na nakapaligid lang.

"Yeah! Naaalala ko pa ng una ko siyang makita. Nakita ko siya sa kalye habang pauwi galing trabaho. Tinambangan siya ng anim na kalalakihan. Pero ni hindi ko napanuod ng maayos dahil sa bilis ng galaw niya at isa isang pinabagsak ang mga iyon."

"Nakikita nga eh. Tignan mo. Nakakasabay siya kay Azami. Kahit hindi pulido ang alam sa mga technique sa martial art ay alam niyang iwasan ang ataki mula dito."

"Yeah, sinabi mo pa. Ikaw ba Master, nadadalas pa ba ang pag eensayo mo?"

"Oo, sabay kami ni Zoey na nag e-ensayo. May laban nga sila ni Azami after our wedding."

"Pinayagan mo siya?"

"Oo! Pero hindi sa ganyan. Sa Gun and Dart shooting lang. Sinabi ko na hindi ako papayag na sumali pa siya sa martial art boxing."

"Akala ko doon na talaga eh. Saka hindi na siya sigurado doon dahil marami ng magagaling ngayon sa martial art. At sa tagal niya noon nawala, siguradong hindi na siya naka focus sa pag pra-practice."

"Nakakapag practice naman daw siya kaya nasa estamina parin niya ang lakas ng katawan at liksi ng kilos."

"Ganun ba. Eh si Flare pala Master. Kumusta ang isang iyon. Anong balita sa kanila si Warren?"

"Ewan ko sa dalawang iyon. Natamaan ng husto si Flare sa lalaking iyon. At ito namang si Warren, bumalik na sa US. Ewan ko lang kung susundan siya ni Flare doon."

"Haha! Mukhang magtitino na din yata si Flare sa isang iyon kung nagkataon."

"Sinabi mo pa. Ngayon lang siya nanuyo."sabi nito.

"Anong atin?"tanong naman ni Jacob ng makalapit sa amin na may dala dalang tray ng pagkain na nakasunod dito ang isa sa katulong nila. "Magmeryenda na muna tayo.

"Mabuting may bahay na ba ang role natin ngayon?"tanong ko dito ng tuluyang makalapit sa amin.

"Gago, tinulungan ko lang si Fatima." Saka ako babatukan ng mailapag ang pagkaing dala sa mesa pero naka iwas ako. Sabay pa kaming tumawa ni Master Clyde dito.

"Di mo pa aminin eh."

"Salamat Fatima. Makakaalis ka na." pagtataboy niya dito. "Tigilan mo ako Clark. Ikaw ba hindi?" Balik tanong nito sa akin pero gaya namin kanina ay nagawi ang tingin nito sa mga babies namin na nag e-ensayo. "Mukhang may kalalagyan ka sa isang iyan, Clark ah. Marunong." Sabi pa nito ng makita kung paano makipag sabayan ang baby Lion ko sa dalawa.

"Sinabi mo pa Jacob. Hindi din basta basta ang nakuha ni Clark eh. Bukod sa may hitsura din. May panama pa sa labanan."

"Kaya nga Master. Hindi din palangiti. Sitahin ba naman ako kahapon ng tawagin kong kiddo. Haha! Parang maghahamon lang ng away agad eh."

"Kinalagan mo sana ng mag kaalaman na."

"Kaya nga eh. Pinigilam lang ako nitong si Clark eh."

"Tama na nga iyan. Guwag siya ang pag usapan natin. Baka marinig kayo at mapaaway pa tayong lahat dito. Ayaw na ayaw pa naman niya ang pinag uusapan." Saad ko saka sinabayan ng tayo at lumapit sa mga ito. Sumunod na din sina master Clyde para lapitan din ang love of my life niya.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now