MC1 CLARK #5:

14.2K 519 26
                                    

Typos and grammatical error ahead!!

○○○CLARK POV:○○○

Halos hindi na sumasayad sa lupa ang gulong ng kotse ko dahil sa ginawa kong mabilis na pagpapatakbo. I'm gonna win again this time. If they think that they can defeat me sa larangang ito ng sport ay nagkakamali sila.

Ako yata ang tinaguriang the king of the road dahil sa lahat ng sinasalihan kong car racing compitation ay ako lagi ang nangunguna. Kung akala nila ay magaling na sila at manalo sa akin ay malas nila. Nagkamali sila ng taong hinamon sa ganitong laro.

No one can stop me in this kind of game. This is my life. Dito na umiikot ang mundo ko simula ng matuto akong magmaneho at the age of 16 nuon ay naranasan ko ng nanalo sa car racing kahit patago lang ako nuong naglalaro dahil underage pa lang ako nuon. Pero ng tumuntong na ako ng deseotso ay tuluyan ko ng niyakap ang carerang ito ng buhay ko. Kaya naman hindi ako nagsisisi dahil dito ako nakakaramdam ng saya. Dito ako naging malaya.

Nakakabinging langitngit ng gulong ang namayani sa paligid ng magpreno na ako ng narating ko na finish line.

Nagrelax muna ako ng likod saka ako nag inat bago tuluyang bumaba sa sport car ko. Hanggang sa sunod sunod ng nagsitigilan ang iba ko pang kalaro at isa isa nila akong nilapitan. Kasama na duon si Sunny na pumangalawa na naman sa akin.

"Iba talaga ang hari ng daan." nakangiting sabi nito sabay tapik ng balikat ko.

Bumaba na din sa grand stand sina Bobby at iba na nanood ng live sa amin.

"That was intense Clark. Ako ang mamamatay sayo sa pinag gagawa." si Monica ng lumapit sa akin.

"Eh ako, bakit si Clark lang." reklamo ni Sunny sa kapatid ko na umakbay dito.

"Syempre iba naman iyon hon. Iba din kasi kapag kinakabahan ako kapag nakasalang si Ark sa racing. Dahil pakiramdam ko ako din ay nakalulan mismo sa minamaneho niya." paliwanag nito dito.

"Ganyan yata talaga ang kambal eh. Kung ano ang kaba at pinagdadaanan ng isa sa kamabal ay pareho sila ng mararamdaman."

"Tama kayo diyan." si Kelly. "Kaya ikaw Clark. Iwas iwasan ko na ang car racing. Madami dami na din ang ipon mo dahil dito sa larong ito."

"Dito na umiikot ang buhay ko Kelly. Kaya hindi ko na ito maiiwasan pa." Nakangiti kong sagot sa sinabi nito. Hindi nila ako mapapatigil sa larong nagangat at siyang tumulong para makalimot ako sa nakaraan.

"Naku, humanap ka na lang ng ibang masasakyan. Iyong tipong nasasarapan ka kapag sumasakay ka." ngising sabi naman ni Bobby.

"Gago, iba naman iyang sinasabi mo. Saka saka na iyan. Ang baby Lamborghini ko lang ay sapat na kapag nasasakyan ko." sagot ko dito. "Sandali lang at kukunin ko ang napalanunan ko. Halika na Sunny."

Nakangiting hawak ko ang tsekeng naglalaman ng mahigit walong daang libong piso na premyo sa pagkapanalo ko. Habang si Sunny naman ay Tatlong daang libong piso ang reward sa pagkakuha ng second place. Hindi na masama. At ang pangatlo sa na nanalo ay may isang daang libo namang nakuha.

"Hindi na talaga mapigilan ang pagyaman mo Clark sa ganitong laro." Si Sunny ng muli akong bumalik kung saan naroon sina Kelly. At nagpasya na kaming dumeretso sa isang Italian restaurant na nadaanan namin para mag celebrate sa panalo namin ni Sunny.

"Hindi na nakakasama sa atin si Master Clyde."

"Paanong sasama iyon eh sinusulit niya ang apat na taon na pagkawala ni Zoey. Kaya hayaan na lang muna natin sila."

"Oo nga naman, pero nasabi na ba sa inyo ni master Clyde ang plano niya sa susunod na buwan?" tanong ni Jacob.

"Oo, at sa wakas, matutupad na din ang mga pangarap niya."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora