MC1 CLARK #4:

14.5K 564 13
                                    

TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!

ºººLEO POV:ººº

"Mabuti at nakapasok ka na." salubong sa akin ng isa sa katrabaho ko sa club na si Kevin sabay tapik ng mga balikat ko. Dito na ako tumuloy matapos ang klase ko. Tinawagan ko na lang ang nanay na dederetso na lang ako sa hospital pagkatapos ko dito. "Kung hindi ka lang tipo ng manager natin siguradong tanggal ka na niyan. Lakas mo kasi sa kanya eh." ngingisi ngisi pa itong umakbay sa akin habang papasok kami sa locker room namin para magbihis.

"Gago! Tumahimik ka diyan baka marinig ka niya at pag initan ka na naman." pag suway ko dito kahit totoo naman ang sinasabi niya.

"Oo na! Ikaw na kasi ang biniyayaan ng gwapong mukha at magandang pangangatawan. Tiyak kong kapag pinatulan mo ang manager natin sigurado akong luluwa ang mata noon kapag tinuhog mo."

Kagigil din ang isang ito. Walang magandang inilalabas ang bunganga kundi kalaswaan.

"Kung ako lang ang gusto niya siguradong matagal ko na iyong tinutuhog sa pwetan magkapera lang ako." dagdag pa nito.

"Kalaswaan mo Kevin." naiiling na sabi ko na lang. "Tumigil ka nga diyan." ngali ngaling batukan ko ito o di kaya naman sungalngalin ko sa bunganga para hindi na makapagsalita.

Tumawa lang ito saka nagsimula na ding magbihis.

"Iyan tayo eh! Ikaw ba naman ang biyayaan ng magandang kutis pero nagtitigasang muscle sa katawaan. Ano bang iherhisyo ang lagi mong ginagawa at ganyan katitigas ang muscle mo sa katawan?" tanong pa nito na katitig sa may tiyan ko.

"Ito ba. "sabay tapik ng tiyan ko na may anim na pandisal. "Nagsisibak lang ng mga kahoy. Nagbubuhat ng cavan cavan na bigas." sagot ko sa kanya. Dahil iyon naman ang totoo.

"Naman, ganyan ba talaga ang katawan ng mga masisipag. Pero sandali, bakit ang dami mong pilat sa katawan. Saan mo nakukuha ang mga iyan. At ito." sabay turo sa tagiliran ko na may mahabang pilat. "Gawa ba ito ng saksak?"

"Oo! Minsan kasi sumasabak ako sa isang iligal na death boxing. Doon kasi ako nakakakuha ng malaki laking pera. At duon ko din nakukuha ang mga pilat na ito sa katawan ko."

"Kaya naman pala may pasa ka pa sa mukha e. Pero nakakadagdag iyan sa kakisigan mo. Dahil nakikita diyan na marunong kang makipaglaban."

"Napalaban ako noong isaan araw kaya heto natamaan. Pero saka na tayo mag usap. Magtrabaho na tayo ng matapos na ang gabi natin." pang iiba ko ng usapan dahil napaparami na kami ng kwentuhan.

Total naman wala naman masyadong isusuot eh. A black trunks lang tapos sinamahan lang ng butterfly tie sa leeg kaya naman halos wala na kaming naitatago.

Isa kasing gay bar ang club na pinagtratrabahuan ko kaya ganito lahat ng suot namin. Hindi ko sana papasukin ang trabahong ganito kung hindi lang malaki ang apat na oras kong sahod. Ikaw ba naman ang kikita ng limang libo sa apat na oras. Kasama pa iyong tip ng customer.

Kahit na alam kong pinagpapantasyaan na ang katawan ko ay sige lang. Wala naman silang mahihita sa akin dahil hindi ko sila papatulan. At wala akong balak na pumatol sa kanila.

"Hindi ka nag report sa akin na papasok ka pala." ang manager namin na nakapasok na pala sa locker room namin. At ang luko nakatingin na naman sa harapan ko na para bang wala akong suot.

"Nagmamadali na kasi ako boss. Kaya hindi na ako nakaderetso sa opisina mo." sagot ko dito saka ipinagpatuloy ang pag aayos ng bow tie ko.

"Sige, total naman may sense naman kaya ka nahuhuli sa trabaho. Kumusta na ang mama mo, maayos na ba ang kalagayan niya?" tanong pa nito saka lumapit sa akin.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon