#18: Clark

17.2K 598 114
                                    

"Anong klaseng ngiti iyan?"tanong sa akin ni Nic ng makalapit sa akin. Ni hindi ko napansin ang paglapit niya.

Masyado na bang tinatangay ang isip mula ng maghiwalay kami ni Leo kahapon galing sa pangangarera ko.

Huh! Kasi naman. Hindi maalis alis sa isip ko ang ginawa niya sa harapan ni Jen. Akala ko nga sinasaniban na si Leo dahil sa kapangahasan niya.

Kaya naman hanggang ngayon hindi na mawala sa isip ko ag mga iyon. Khmahit sa pagtulog ko ay dinalaw ako sa panaginip ko ang eksinang iyon at kahit kumakain ako ay nandoon parin ang ngitinkapag bigla nag pa flash iyon sa utak ko. At ngayon iyon na naman ang naiisip ko habang nag iisa ako.

Hayst! Ano ba naman kasi? Ni wala sa amin ang pag usapan ang bagay na iyon. Basta ganun na lang. Hahalikan ko siya tapos wala lang. Walang paliwanagan.

"Anong klaseng ngiti ba ang mayroon ako?"balik tanong ko dito kaya naman binatukan niya ako.

"Aba malay ko sayo. Para kang baliw na ngingiti ngiti dyan tapos biglang seseryuso tapos ngingiti na naman. Naku Ark. Pumapag ibig ka na yata eh."mahabang saad nito pero isa lang ang tumatak sa isipan ko sa mga sinabi niya. Ang pumapag ibig.

"Sa tingin mo Nic? Pumapag ibig na ba talaga ako?"tanong ko sa kanya kaya naman muli niya akong binatukan. "Nic naman eh! Nakadalawa ka na ah."singhal ko sa kanya at sinubukang gantihan din ito ng batok pero nakaiwas siya.

"Ako ang tatanungin mo? Ako ba ang nakakaramdam? Sino? Don't tell me lalaki din?" Deretsang tanong nito kaya naman ngiti lang ang isinagot konsa kanya. "Naku, nahawa ka na rin kina Jacob at master Clyde. Aba! Ikaw ba ang babaunan o siya ang babaunan mo?"

"Haha! Kaya masasabi kung kambal kita eh. Ang bunganga mo! Saan mo naman nakuha ang salitang iyan."natatawa kong tanong dito saka umakbay sa kanya ng umupo sa tabi ko. "Pero totoo Nic? Anong klaseng ngiti ba ang nakita mo kanina?"muli kong tanong dito.

"Ngiti ng nananaginip ng gising. Naku! Sino nga? Sino ang malas na lalaking iyon. Ng makausap ko nga ng masinsinan. Para bilinan na huwag ka ng patulan dahil baka mabiyudo siya ng maaga dahil sa kinahihiligang mong laro."

"Nic naman eh! Di pa nga ako sigurado, kinukontra muna."

"Ewan ko sayo Ark huh! Kahit sina mama, laging nag aalala sayo sa tuwing magpapaalam ka sa kanila na may sasalihan ka na namang karera. Marami rami ka ng naipon. Kaya mo na ngang bumili ng buong isla sa ipon mo. Kaya pwede mo ng tigilan ang larong iyon."

"Hay naku! Heto na naman tayo Nic. Sinabi ko naman sayo na walang makakapigil sa akin sa pangangarera ko. Dahil alam mo naman, ito na ang naging libangan ko simula noon." seryisong sabi ko dito kaya naman seryusong napatingin din siya sa akin.

"Hala!."umakbay nadin ito sa akin. "Huwag na nating pag usapan iyon. Pero Ark. Sino nga? Di mo pa sinasabi kung sino eh."muli nitong tanong ng maalala na naman ang unang usapan namin kanina.

"Si Lion."sagot ko. "Pero hindi ako sure sa nararamdaman ko. Baka na chachallenge lang ako sa kanya. Ang sungit eh. Tapos ang iksi ng pasensya kaya ang sarap asarin."nakangiting sagot ko.

"Naku! Hindi na lang na cha challenge yan Ark. Sa klase ng ngiti at pagbanggit lang ng pangalan niya kakaiba na ang ningning ng mga mata mo. Naku! At batang iyon pala ang kinahuhumalingan mo ngayon."

"Kung makabata ka naman wagas. 19 na siya. At limang taon lang naman ang agwat ng edad natin sa kanya."

"Mas bata parin siya sa atin. At sigurado ka bang siya ang babaunan mo? Naku tingin ko, bugbog sarado ka kapag ginawa mo iyon."

"Nic naman eh. Wala pa ngang kami. Baunan na iyang iniisip mo."

"Haha! Doon din naman ang tuloy at alam naman na kahit hindi pa kayo for sure mababaunan na ang isa sa inyo."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now