#8: Leo

13.4K 521 46
                                    

Mukhang hindi maganda ang edeyang lumapit at nagpakita ako sa taong iyon na parang wala namang matinong sasabihin.

Sa kilos at pananalita niya ay talaga nga namang batas ang bawat katagang lumalabas sa bunganga niya. Siya na nga kanina itong nakabangga sa akin ay siya pa ang may ganang magalit. Napansin kong nakatingin ito kanina sa babaeng nakausap ko kahapon at tingin ko iyon ay ang kambal nito.

Sa ayos niya kanina bago niya ako nabangga ay parang tinatakbuhan niya ang kambal niya na para bang may ginawa siyang masama dito. At kaninang sinita niya ako ay talaga naman na may ibig sabihin ang seryusong tingin niya.

Sila ba ang tinaguriang pitong halimaw ng MC? At ayon kay Marky ay talaga naman na kinatatakutan daw sila. Pero sa isang iyon, hindi ako naniniwala na nakakatakot ang hitsura niya kung pilyong nakangiti gaya kanina.

Ang kaninang seryusong pagkakatingin sa akin at pakikipagsukatan ng tingin ay nawala ng makilala niya ako. At napalitan iyon ng isang ngiti. Na para bang may ibang ipinapahiwatig ang ngiti sa mga labi niya.

Kung sa mga babae lang siguro niya ipakita ang mga ngiting iyon ay siguradong tatalon na sila sa kama niya para lang matikman siya.

Tangna! Bakit ba iyon ang naisip ko sa mga ngiti niyang iyon. What a perverted smile he has.

Napailing na lang ako sa naisip ko habang naglalakad palayo sa likod ng stage kung saan ko nabangga ang taong iyon.

Gusto ko na sanang umalis pero sabi niya na may mga palaro sila at malaki daw ang mga premyo ng mga mananalo.

Kaya ang balak kong pag alis ay hindi na natuloy. Maghihintay na lang ako kung kailan magsisimula ang mga palaro nila. Kung maganda ang palaro nila ay sasali ako. Para naman may silbi ang pagdalo ko. At ayon sa iba ay hindi lang simpleng pagtitipon ang magaganap ngayon kaya naman gusto ko ring saksihan kung ano ba ang main porpose ng pagtitipong ito.

Lumipas pa ang ilang oras ang paghihintay ko hanggang sa pumailanlan na ang malamyos na musika sa paligid. At may isang lalaking tumayo sa gitna ng intablado.

Na ang kaninang mga kagaya kung estudyante ay nagsitahimik at tumigil na sa palakad lakad sa kung saan saan. At itinuon ang paningin sa pinakagitna ng oval kung nasaan kami ngayon.

"Ladies and gentelmen your attention please."panimula nito.

Mukhang ito ang sinasabi ni Marky na pinakipinuno ng MC. At talaga nga namang kakaiba ang aura nito kumpara sa lalaking iyon. Kumpara kay Clark.

Ang isang ito ay makikita mo pa lang sa tintid at porma niya na hindi ito basta basta. Matikas at may matatag na paninindigan kung titignan mo ito. At hindi na kailangang kilalanin ito para lang makasiguro sa katatagan nito.

"Siguro naman walang sino man sa narito ngayon ang hindi nakakakilala sa akin and the list of seven monster. I Clyde Alcaide, in front  of all of you. For the new student, ipapakilala ko sa inyo ang iba pang membro na bumubuo ng monster club. And the seven monster is... Sunny," sabay turo sa nakapulo ng kulay asul. Kumaway naman ito. "Clark and Monica." Saka naman nagawi ang paningin ko sa itinurong sa kambal at ngayon ay magkatabi at nakaakbay pa si Clark dito. At gaya kanina, nandoon na naman ang ngiti niya na kahit sino mang babaeng titignan niya na may ngiting ganun ay siguradong laglag ang mga panga. Sabay na kumaway naman ang kambal. Kung maikli lang siguro ang buhok ng kambal nuto siguradong hindi mo na mapagsino kung sino sila sa isat isa.

"Bobby and Kelly. And Jacob." Pagpapatuloy nito. Kapansin pansin na ang Bobby at Kelly na binanggit nito ay magkasintahan o mag asawa na ba? At ang Jacob na huli niyang binanggit ay may nakatabi naman sa kanya na isa pang lalaki. Halata sa katabi nito na isa itong hapon. At sa pagkakaakbay ng lalaking iyon sa pinangalan nitong Jacob ay tingin ko ay couple din ang mga ito.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon