#11: Leo

13.8K 526 88
                                    

"Nagmamadali ka yata? May lakad ka ba?"

"Oo! Susunduin ako ni Clark ngayon."sagot ko kay Marky habang isinisilid ko ang mga libro ko sa shoulder bag ko.

"Clark? You mean? The one of the seven masters?"muli nitong tanong na hindi yata makapaniwala sa pangalang binanggit ko.

Tumango ako bilang sagot.

"Sigurado ka? Na si Clark Kriston ang susundo sayo? Baka kapangalan lang niya,"

"Siya nga iyon. Bakit ka ba nagtataka kung susunduin niya ako,"

"Hindi mo ba alam na bihira iyong mahagilap kaysa sa anim pang pinuno ng MC. Kaya hindi ako makapaniwala na siya talaga ang tinutukoy mo."

"Yeah! Samahan mo ako sa paglabas ko. Baka nasa baba na lang siya ng building natin."sagot ko dito para maniwala siya.

Naiiling na napapatango na lang ito.

"At bakit ka pala susunduin?"

"Nagtratrabaho na ako sa kanya. At may lakad siya ngayon kaya sasama ako."muli kong sagot dito. "Halika ka na." Aya ko at sinabayan na ng lakad palabas ng classroom namin.

Sumunod naman ito agad sa akin at patakbong lumapit para makaagapay sa paglalakad ko.

"Ano bang trabaho mo sa kanya?"muli nitong tanong.

Minsan naiinis na din ako sa isang ito. Masyadong matanong. Kung hindi ko lang inaalala na kaibigan ko ito ay kanina ko pa ito nilagyan ng lukot na papel ang bunganga nito para hindi na makapagsalita.

Pero hindi ko nga naman nagawa. Kaya sinasabayan ko na lang ang kakulitan niya minsan. Na nagiging madalas na.

"Personal assistant niya. At ang gagawin ko ay lang ay ang samahan siyang kung may karera siyang dadaluhan."

"Ganun ba. Wow naman! Sana makasama din ako. Gusto kung makita ng personal kung paano siya magpatakbo. At kung paano siya kabilis."

"Hindi ko naman pwedeng ayain ka dahil assistant lang ako."

"Dibali na! Makakapanuod din ako balang araw."

"Oo! Bilisan mo! Baka naiinip na iyon."sabi ko at binilisan ko pa ang naging lakad ko na ganjn din naman siya.

At tama nga ako, nag aabang na si Clark.

Nakasandal sa kotse habang nakasalikop ang mga braso sa dibdib nito. At halata sa mga taong nakapaligid sa kanya na hindi maiwasang hindi siya tignan. Pagmasdan.

Bukod sa agaw pansin ang kotse niya sa gara ay agaw pansin talaga sa karamihan ang gandang lalaki nito. Makarisma nga sabi ng iba.

"Kanina ka pa ba?"tanong ko sa kanya ng makalapit ako pero hindi siya agad sumagot at kay Marky ito nakatingin.

"Siya ba ang dahilan kung bakit huli ka ng limang minuto?"seryusong balik tanong niya kaysa sagutin ako.

Napansin ko naman na medyo napaatras si Marky sa ipinakitang kaseryusuhan niya.

"Hindi, may ibang ipinaalala lang ang guro namin kaya natagalan ako. Limang minuto lang naman."

"Limang minuto man iyan ay mahalaga parin. Lets go. Don't just stand there. Get in."utos niya ng kumilos na siya pasakay kaya naman sininyasan ko na lang si Marky para sabihing na mauuna na kami bago ako tuluyang sumakay sa kotse ni Clark.

"Next time, sabihin mo sa guro mo na hinihintay kita para payagan kang umalis ng maaga. Hindi iyong makikipagkwentuhan pa siya sa inyo kahit oras na ng uwian."nahimigan ko ang pag kairita sa boses niya.

"Importe naman iyong sinabi niya."

"At mas importante ang lakad ko."sagot nito saka mabilis na pinaarangkada paalis ang kotse niya at bagtas na ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang karera. "Kung hindi siya maniniwala sayo sabihin mo sa akin at ako mismo ang magsabi na kailangan mo ng umalis."dagdag pa niya habang nakatuon ang pansin sa kalsada.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now