#22: Leo

16K 573 162
                                    

Nakakatakot!

Iyon ang unang pumasok sa isipan ko kung paano tumingin sa akin si Clark matapos kung magkwento sa kanya about my past. My childhood.

Iyon ang klase ng tingin na nakita ko sa kanya ng noong kausapin niya ang aking amahin. Tingin ng kasamaan. Tingin ng kamatayan.

Pero ang isang Clark na puno ng kakulitan ay may lihim na isang Clark na demonyong nagtatago sa katauhan. Sa mga pilyong ngiti kapag inaasar ako. Mga masusuyong ngiti kapag sinusuyo ako. Mga ngiti na kahit na sino ay mahuhulog ang loob sa kanya. At hindi mo aakalain na sa mga ngiting iyon ay halos hindi ko na makilala ang Clark na kaharap ko ngayon.

Ramdam ko ang panginginig niya habang mahigpit na hinawakan ako sa magkabilang braso ko kanina. Ang tunog ng ngipin na nagkimpian dahil sa kung anong galit niya sa ikinuwento ko sa kanya.

At sa nakita kong iyon sa kanya ay hindi ko mapigilan ang mangilabot. Mahintakutan. Oo! Masama din akong tao. Inaamin ko iyon. Matindi din ako magalit. Pero sa kanya. Ewan. Kakaiba talaga. Pero mas nanaig ang kagustuhan kong kalmahin ito kaysa sa kilabot at takot na naramdaman ko sa kanya.

I tried my best to comfort him. Hug him. Caress. At ipinaramdam ko sa kanya na hindi siya nag iisa. Na hindi ko siya iiwan. Hanggang sa unti unti na nga siyang kumalma.

"Stay with me."mga katagang paulit ulit na sabi niya sa akin.

"I love you Lion. Just stay with me forever. Forever My Leo."bulong niya habang nakayakap parin ako sa kanya.

Tumango ako. And I kissed him again on his forehead.

"Yes, I will. I will."

Ilang minuto ba ang lumipas na ganun ang ayos namin. Na nakayapak kami sa isat isa. Hindi na kasi ito gumalaw pa mula kaninang kumalma siya. Kaya wala din akong balak gumalaw pa.

Hanggang sa maramdaman ko na ang payapa niyang paghinga. He fall asleep in my arms. At para makasigurado ako. Bahagyan ko siyang itinulak para makita ang mukha nito. At tulog na nga siya talaga dahil hindi na natinag sa pagkalas ko ng yakap sa kanya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hangin sa baga saka ko inayos siya ng higa sa sofa. Kikilos na sana ako para tumayo at kunan siya ng kumot pero mabilis na yumakap ulit siya sa baywang ko.

"Stay." bulong niya pero hindi naman siya gising dahil sinabayan niya iyon ng mahinang paghilik. "Stay with me."

Kaya naman hindi ko na mapigilan ang mangiti.

"I will."pabulong na sagot ko din saka ko siya hinaplos sa pisngi. "I will stay kung hanggang kailan mo ako gustong manatili sa tabi mo."saka marahan kong kinalas ang mga kamay niyang nakayakap sa baywang ko.

Tinungo ko ang silid niya at kumuha ng kumot. Inayos ko na rin ang sofa at pinagdikit ang mga iyon para tatabi ako sa kanya mamaya.

Kailangan ko munang tawagan ang inay para sabihin hindi ako makakauwi ngayon.

"Hindi ka pa ba uuwi anak?"tanong niya ng makapag hello ako sa kanya. "Akala ko ba hindi ka na nagtratrabaho sa gabi? Pumasok ka na naman ba sa dati mong trabaho?"

"Hindi po nay. Hindi na ako bumalik sa trabahong iyon. At wala akong trabaho ngayon. Nasa bahay po ako ni Clark ina. Medyo me problem siya kaya hindi ko naman maiwan."

"Ganun ba. Sige anak. Huwag mo na akong aalalahanin dito."

"Sige ina. Ingat po kayo diyan." Hanggang sa maayos na nagpaalamanan na kami sa isat isa.

Muli kung itinuon ang pansin ko kay Clark na ngayon ay himbing na sa pagkakatulog. Sumampa na ako sa pinagdugtong kong sofa sa hinihigaan niya at umayos na din ng higa. Kinuha ko ang ulo niya at ipinaunan ko iyon sa braso ko. Hinalikan ko siya sa nuo. At masuyong sinuklay ang buhok. Gumalaw siya at iniyakap ang mga kamay sa akin.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now