#27: Leo

15.7K 436 88
                                    

*****Mature Content*****Strong Parental Guidance*****

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*****
Mature Content
*****
Strong Parental Guidance
*****

Kampanting nakaupo ako sa tabi ni Clark sa eroplano habang nasa harapan naman namin ang mag asawang Brix at Clent na mga magulang daw ng master Clyde nila.

Ito ang unang beses na makasakay ako ng eroplano kaya bahagyang kinakabahan ako. Hindi pa man nagsisimulang lumipad ang sinasakyan namin ay tudo na ang kaba sa dibdib ko.

Weird ano. Mas kinakabahan pa talaga ako sa pagsakay ng eroplano kaysa kabahan kapag sasabak ako sa bakbakan.

"Are you okay baby?"tanong sa akin ni Clark na humawak sa kamay ko. Pinisil niya iyon bago hinigpitan ang pagkakahawak.

"Kinakabahan ako babe. Ito pa lang ang unang beses kong sumakay ng eroplano."totoong sagot ko sa kanya.

"Sa una lang yan baby. Masasanay ka din. Dahil palagi tayong mag tratravel in the future ng magkasama."nakangiti niyang sabi sa akin saka inilapit ang mukha para halikan ako kaya naman sinalubong ko na iyon para ako na ang gumawad ng halik sa kanya.

"Naku! Magkasama, haha papasimula pa lang kayo. Marami pang pagsubok ang lalampasan niyo bago kayo tuluyang magsama ng payapa. Sinasabi ko sa inyo."kontra naman ng nakikinig palang si Clent. Pero sabi pwede ko naman daw silang tawaging tito din. Total naman daw kami na ni Clark.

"Tito naman, pagsubok lang iyan. Malalagpasan namin iyan ng baby ko ng walang kahirap hirap."buong kumpyansang sagot naman niya dito na nakapagpangiti sa akin.

"Yeah! My babe was right."sigunda ko sa sinabi niya. Dahil hindi ko papayagan na may humadlang sa aming dalawa. Kung may hahadlang man, madali na lang iyon sa akin kung paano ko sila aalisin sa landas namin.

"Hay naku mga kabataan nga naman ngayon." naiiling na sabi pa nito.

"Bayaan mo na nga sila Hon."panuway naman ni tito Brix dito. "Bakit ikaw ba. Hindi ka ganyan noon?"

"Naman hon. Behave ako noon."natatawang sagot naman nito dito.

"Behave ang lolo mong panot. Tigilan mo nga ako sa pa behave behave mo dyan."

"Haha! Haha! Ikaw naman Hon. Di kana mabiro." Nagkatinginan kami ng babe ko ng pisilin niyang muli ang kamay kong hawak niya.

"Don't mind them baby." Sabi nito saka umayos ng upo at sumandal siya sa balikat ko. Ako man ay isinandal ang ulo ko sa ulo niya. "You can take a nap baby. Para hindi mo na maramdaman ang pagtaas ng sikmura mo mamaya kapag palipad na ang eroplano."

"Yeah! Parang inaantok na nga ako babe. Lalo na kapag nasa tabi lang kita. Ang gaan ng pakiramdam ko at ramdam ko ang kaligtasan sa tabi mo."

"Of course baby. I feel the same way."

Humalik pa ako sa ulo nito saka ako pumikit. Pero hindi naman talaga ako dalawin ng antok.   Hinintay ko na lang ang paglipad ng eroplano habang nakapikit ako.

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now