#29: Leo

11.8K 403 47
                                    

Masuyo kong hinaplos ang buhok niya at nakaunan siya sa kandungan ko habang nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng kama at malaya ko siyang napapagmasdan ngayon. Nakatulog siya habang nanunuod kami ng TV sa loob ng kwarto namin na ipinaukupa ng kaibigan niya sa amin.

Mas umaamo pa ang mukha niya ngayong nakapikit siya. Pero kaninang nasa Ramen House kami doon ko aktwal na nakita ang anyo niya na iniiwasan ko ding makita. Kung paano siya aktwal na magalit.

Kanina ngang pinigil siya ni Jacob ay walang nagawa ito dahil naramdaman ko ang bahagyang takot na may kasamang pag aalala sa mga kasama namin kanina sa kanya.

"What a silent Monster you are babe?" hindi ko mapigilang sabi sa kanya na para bang naririnig lang niya ako habang patuloy ako sa paghaplos ng buhok niya.

Wala ngang kalaban laban ang babae at kahit hindi namin alam kong ano ang pinag usapan ng mga iyon ay nandoon ang pag uumigting na tulungan niya ang babae kanina lalo na ng makita niya kung paano tumilapon ang babae at tumama ang katawan sa mesa.

Ganun pala siya, iyong nakakakita siya ng mga walang laban na inaabuso ng mga taong walang magawang maganda sa buhay gaya ng amahin ko. Kung nagkataon siguro noon na naaktuhan niya ang pangbubugbog ng amahin ko kay inay ay malamang matagal ng nasa hukay ang amahin ko. Lalo na hindi pala basta siya napapatigil gaya ng kwento ng mga kaibigan niya na kung hindi na siya papainumin ng pangpakalma ay wala daw makakapigil sa kanya dahil may kung ano daw kakaibang lakas na lumalabas sa
kanya. Weird, totoo pala ang ganun. Na ang akala mo ay wala siyang alam sa pakikipaglaban ay bigla na lang magkakaroon ng lakas kapag nakakakita ito ng mga nakakapgpalabas ng demonyo niyang katauhan.

"Mmm!."gumalaw siya at iniyakap ang braso sa baywang ko.

"Shhhh! Im here babe. I won't leave you."sabi ko sa kanya. Kumilos na din ako para tanggalin ang braso niya sa baywang ko para makaayos na din ako ng higa at ng magkaroon ako ng lakas para sa pamamasyal pa namin sa susunod pang mga araw.

"I love you baby. I love you."narinig kong sabi niya pero nakapikit naman kaya sigurado akong tulog siya.

Napangiti ako. Napapanaginipan niya ba ako. At ano naman kaya ang nasa panaginip niya?

Huh! Ewan. Tatanungin ko na lang siya bukas kung ano ang panaginip niya. Muli akong kumilos para umayos ng higa. Pero hindi pa man ako nakakaayos ay nagsumiksik na siya sa katawan ko. Umunan sa braso ko at iiyakap ang kamay sa akin.

Ako man ay iniyakap na din ang braso ko sa kanya. At nasa ganun kaming ayos ng gupuin na rin ako ng antok.

*****
*****

"Did you dreamt about me last night?" tanong ko sa kanya ng magmulat ito ng mga mata habang nakatunghay ako sa kanya.

Mas nauna pa akong nagising sa kanya kahit nahuli akong nakatulog kagabi.

"Mmmm! Yup!."nakangiting sagot niya saka ako hinawakan  sa batok at hinila kaya napasubsub ako sa may leeg niya. Saka ako kumilos at umunan sa braso niya.

"Thank you for not leaving me yesterday." Sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko ng mga daliri niya. And kiss me at my forehead.

"Why would I?"tanong ko saka ko siya tiningala.

"You saw me in my worst look. Did I look scary yesterday?"seryusong tanong niya sa akin.

"Yes." totoong sagot ko sa kanya. "Pero hindi kailanman ako matatakot sayo. Sa iba siguro, malamang bahag na ang buntot kapag nakita ang ganun mong look kahapon."

✅MC1 CLARK : Taming Leo's (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now