Nag-iisa na lang si Mama sa buhay ko, ayaw kong pati siya mawala sa 'kin.

After my shift in the store ended, saktong nag-text si Aling Ninita na paubos na ang meds ni Mama. Kaya buong araw akong problemado at nag-iisip kung saan na naman ako kukuha ng pambiling gamot ni Mama, next month pa ang susunod kong sweldo.

Hindi na ako sumakay ng traysikel papuntang ShowBT. Naglakad na lang ako since hindi naman ganoon kalayo, kaya pa naman at makakaabot naman ako ro'n on time kahit maglalakad lang ako.

Nang napadaan ako sa isang building, napaangat kaagad ako ng tingin sa billboard nang marinig ang bagong kanta ng SB19 na nag-play ro'n, at saktong pinakita ang mukha ni Justin na sinundan naman ni Ken. Napangiti na lang ako. Minsan nakakalimutan kong sikat nga pala sila hindi lang dito sa bansa, at unti-unti na silang nakikilala ng buong mundo.

And speaking of Justin, may naalala ako kaya kaagad kong nilabas ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa inbox ko para mag-message sa kaniya.

To: Justin

Hi. Sana hindi ka busy? May gusto lang akong sabihin sa 'yo mamaya. :)

Pagkatapos kong pindutin ang send button, pinatay ko na ang cellphone ko at binalik sa bulsa ko, at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

And true enough, pagkarating ko sa tapat ng ShowBT, nagsisilabasan na ang mga employee at uuwi na. Bumati ako sa guard pagkapasok ko ng building. Umupo muna ako sa may lounge habang hinihintay pa ang eksaktong oras ng shift ko rito.

Habang nakaupo ro'n, nagawi ang mga mata ko sa labas ng building at sakto namang may dumaang grupo ng mga estudyante na nagtatawanan. Alas otso na ng gabi pero nasa labas pa rin sila, suot ang mga uniform nila. Siguro hindi pa nakakauwi ang mga 'to sa kanila. Mga college student ang mga 'to. Nasabi sakin ni Jahsmine dati na may klase talaga silang inaabot na ng gabi, lalo na kung part-time lang ang instructor.

Habang nakatitig sa kanila, hindi ko maiwasang imagine-in ang sarili ko na suot ang uniform at may ID na nakasabit sa leeg ko. Bumigat bigla ang dibdib ko kaya jniwas ko na lang ang tingin ko, at saka ako napabuga ng malalim na hinga.

Tumunog ang phone ko kaya nabaling dito ang atensyon ko. Nang iangat ko ang phone ko, saktong umilaw iyon at nag-pop sa notification ang reply ni Justin sa message ko kanina.

From: Justin

Hello, Adeline! Unfortunately, I can't get out yet. Nasa set pa kami for a late-night show.

Why? What do you want to say? Pwede mo na lang i-message dito. Or if it's something important, we can meet tomorrow morning! I'll come pick you up :)

Napangiti ako sa reply niya. Kaagad naman akong nagtipa ng reply sa kaniya.

To: Justin

Okay. Hintayin kita bukas :*

After hitting the send button, pinatay ko na ang cellphone ko at pumanik na papuntang storage room para simulan na ang trabaho ko rito.

--

KINABUKASAN, MAAGA akong gumising para asikasuhin si Mama. Paubos na nga talaga ang gamot niya at kailangan ko nang bumili ng bagong box ng gamot niya. Medyo may kamahalan, pero kaya naman kung pag-iisahin ang sweldo ko sa tatlong part-time ko. Ang kaso nga lang, sa susunod na buwan ko pa makukuha ang sweldo ko sa ShowBT at sa store.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ni Mama, napansin kong huminto siya sa pagnguya kaya nabaling na sa kaniya ang buong atensyon ko at nahinto ako sa ginagawa.

Walang buhay ang mga matang nakatitig siya sa hangin, pero parang may sumagi sa utak niya at bapalitan ng lungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

“Ma? Bakit?” tanong ko kaagad.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now