Hindi pa ako nakasagot ay napakurap ako nang biglang nag-pop ang pangalan niya sa screen saying na tumatawag siya. Video call pa nga. Sinagot ko kaagad ang tawag. My phone lagged for a few seconds before Justin's face appeared.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang hitsura niya. "What the heck!" Napabangon ako at inilayo kaagad ang mukha sa screen. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang ka-video call mo ay topless. "Hindi ka ba nalalamigan?"

He chuckled. Biglang naging shaky ang screen kaya naisip ko na tumayo siya at lumakad papunta sa kung saan. Pinagmasdan ko lang siya nang unti-unting bumagsak ang katawan niya sa kama kasama ng isang buntonghininga.

"I am recharged now after seeing your face," aniya habang nakatitig sa akin with sincerity. Napakurap ako dahil pakiramdam ko nandito siya literally sa harap ko at tinititigan ako.

Umirap na lang ako. "Tapos na ba ang ginagawa mo? Baka nakakaistorbo ako, ah."

He chuckled. "Hindi ka istorbo sa akin, Adeline."

Ngumiti na lang ako.

Our call went on for almost two hours. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Somehow, gumaan ang pakiramdam ng dibdib ko habang kausap si Justin. Nakalimutan ko rin ang mga nangyari kanina sa prom party. When the call was over, I returned to bed with a smile. Rumerehistro sa utak ko ang ngiti at corny jokes ni Justin habang nagc-call kami at parang baliw akong natatawa mag-isa.

Napabuga ako ng hangin. I just realized, if I met Justin sooner before I met Ken, hindi imposibleng magkagusto ako kay Justin. He's so fun to be with, and sobrang comfortable niyang kausap. I always feel at ease when I talk to him. I lowkey wished na sana si Justin na lang at hindi si Ken. Siguro masaya na ako ngayon kung kay Justin ako nagkagusto.

---

KINABUKASAN, sobrang ingay sa school kahit umagang-umaga. The girls were busy looking at their photos that was posted in the school's official facebook page. Ako naman, nasa upuan ko lang ako at humihikab. Dalawang oras lang ang tulog ko, eh.

"Trisha! Trisha, tingnan mo!" ani Jahsmine na patakbong papalapit sa akin kaya napabaling ako sa kaniya. Umupo siya sa desk ko at saka itinapat sa akin ang screen ng kaniyang cellphone. "Ang ganda mo rito! I-profile picture mo na 'to!"

I stared at the photo. It was taken noong kakapasok pa lang namin sa gym. Nakangiti ako sa picture at napatingin sa harapan. At the bottom left of the photo was our school's photography club watermark. Ang galing ng pagkakakuha.

Sobrang saya ko pa n'yan without knowing na masasaktan pala ako after. Napabuga ako ng hangin bago tinulak papalayo ang cellphone niya. "Ayaw ko."

Humaba ang kaniyang nguso. "Bakit naman? Ang ganda mo rito, oh! At saka, one year ka nang hindi nagpapalit ng profile picture, 'no!" aniya at napairap na lang ako. "Or baka ayaw mo kasi may masamang ala-ala ka ng prom natin?"

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Isang tingin niya lang sa akin at alam ko na kaagad na nakuha niya na ang nais kong iparating. Napabuntonghininga siya bago nameywang.

"Alam mo, ikaw, naiinis na ako sa 'yo, ah!" Dinuro niya ako. "Ang dami ko nang sinabi sa 'yo tungkol sa crush-crush mo na 'yan. Pinagsabihan na kita kaso ang tigas-tigas ng ulo mo at pinapaniwalaan mo lang ang sinasabi ng damdamin mo without knowing it's outcome! Trisha, nasaktan ka na nang ilang beses. Hindi ka pa ba titigil?"

Napayuko ako. Unti-unting na-absorb ng utak ko ang sinabi ni Jahsmine kaya unti-unti ring namuo ang mga luha sa mga mata ko. I bit my lower lip and quickly covered my eyes before my tears would fall.

"Hindi ko naman ginusto 'to, eh," garalgal ang boses na sabi ko at tuluyan na nga akong umiyak. Jahsmine listened to me silently. "Believe me, sinubukan kong pigilan 'to, Jahs. Sinubukan kong sundin ang mga sinasabi mo sa akin pero hindi ko magawa-gawa. Sa tuwing gusto ko na siyang kalimutan, mas lalong pinapaalala sa akin at mas lalo kaming pinagtatagpo, eh, kaya nahihirapan ako. Jahsmine, gustong-gusto ko nang kalimutan lahat kasi masakit. Bata pa tayo, oo, pero ewan ko. Hindi ko mapigilang masaktan kapag nakikita ko siya..."

Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa mga balikat ko at bahagya akong hinila para madikit sa kaniyang dibdib. Mas lalo lang bumilis ang pag-agos ng mga luha ko at mas lalong lumakas ang hagulgol ko.

"Woii, Jahsmine, anong nangyari d'yan? Bakit umiiyak si Trisha?"

"Inaway mo, Francheska? Hala ka!"

"Brokenhearted ba siya? Ouchie."

"Pwede ba 'wag kayong chismosa!" suway ni Jahsmine sa kanila habang hinahagod ang likod ko.

He continued doing that habang umiiyak ako. Hindi siya nagsalita tungkol sa nilabas ko. Ni isang panenermon, wala akong natanggap sa kaniya. Umalis lang siya no'ng dumating na ang teacher namin sa first subject para magklase.

--

NOONG NAG-RECESS na, magkasama kami ni Jahsmine na nagtungong canteen. May pila pa kaya kailangan naming pumila ni Jahsmine.

Nagkukuwentuhan kami ni Jahsmine sa pila nang may biglang nagtakbuhang mga lalaki papalapit sa amin at nabangga niya ako.

"Uy! Hala! Sorry, Miss!"

Sumalampak ang pwetan ko sa lupa at nauntog pa ang ulo ko sa corner ng table. Mariin akong napapikit at napahawak kaagad sa likod ng ulo ko. "Aray..."

"Trisha! Okay ka lang?"

Natigilan ako at napamulat kaagad ng mga mata nang marinig kong may dalawang boses ang sabay na nagtanong sa akin no'n. Napaangat ako ng tingin at napaawang ang mga labi ko nang makita si Jahsmine at si Ken na parehong nakabahid sa mukha ang pag-aalala.

Nalukot kaagad ang mukha ng kaibigan ko at saka nakapameywang na humarap kay Ken. "Hi, pwede favor? Layu-layuan mo na ang kaibigan ko. Please lang."

Ken looked at her with brows in one line. "What do you mean?"

"Jahsmine..." mahina ang boses na suway ko sa kaibigan.

"Simula noong dumating ka kasi, naging tanga na itong kaibigan ko," she continued. "Simula noong nakilala ka niya, nagpapakatanga na siya para sa 'yo. Kaya favor lang, layuan mo na siya. Don't talk to her nor look at her. As in, idistansya mo ang sarili ko sa kaniya kung ayaw mong ihatid ka ng ambulansya sa ospital dahil nasapak kita! May girlfriend ka naman. Do'n ka sa girlfriend mo, 'wag sa kaibigan ko!"

Mas lalong nangunot ang noo ni Ken. He then averted his eyes towards me at nag-iwas naman ako ng tingin.

Kahit masakit ang pwet ko, pinilit kong tumayo. I grabbed Jahsmine's hand and leaned closer to her ear. "Jahs, tara na. Do'n na lang tayo sa stall sa labas bibili."

When I roamed my eyes around, nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil halos lahat ng nandito ay nakatingin na sa amin! I even saw one of Margaux's girl friend.

I pulled her hand again at naglakad na ako. Nakahinga ako nang maluwag nang sumunod na kaagad siya sa akin. Patakbo kaming lumabas ng canteen.

"Hindi mo na sana ginawa 'yon," sabi ko pagkalabas namin. "Nakakahiya!"

She scoffed. "Nahihiya ka samantalang siya hindi siya nahihiya sa 'yo? Nararapat lang na sabihin ko 'yon sa kaniya nang matauhan na siya!"

Napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya at inangatan niya ako ng isang kilay.

Napangiti ako. "Thank you."

"Hmm?" Umangat na ang dalawang kilay niya. "Do'n ba sa ginawa ko sa canteen? Sus! Wala 'yon!"

Umiling ako. "Seryoso. Salamat talaga sa lahat-lahat, Jahsmine. Masaya akong ikaw ang naging best friend ko."

Mahina siyang natawa. "Seryoso rin. You're welcome and thank you rin sa lahat-lahat."

Kinindatan niya ako kaya napahagalpak na lang ako ng tawa.

*

Author's Note:

Hallo! Sana hindi n'yo pa nakakalimutan ang story na 'to lmao. I'm so, so, sorry for not update for a while! Medyo busy dahil sa daming kailangang gawin for online class + my responsibilities as a daughter lmao. Since may holiday break na kami (modules-free na si ako yey!!!) I'll try to update as often as I can. Thank you!

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now