"Bakit?" tugon ko naman nang hindi nag-aangat ng tingin sa kaniya at pinagpatuloy pa rin ang ginagawa. "Kailangan ba ng tulong sa desk? Tapusin ko lang 'to."

"Hindi. May naghahanap sa 'yo."

Napahinto na ako at napaangat na ng tingin sa kaniya. Tinuro niya naman kaagad ang labas kaya napatayo na ako.

"Hinahanap ka n'yang naka-mask ng puti. Sino ba 'yan? Mukhang scammer."

Napabaling na ako ng tingin sa tinutukoy niya. Napakurap ako nang makita ang pamilyar na mata ni Justin na naging hugis crescent moon nang ngitian niya ako at marahang kumaway sa akin. Nakasuot siya ng itim na hoodie jacket at pants, naka itim na cap, at nakaputing mask. Masyadong mababa ang pagkakatakip ng cap niya kaya hindi masyadong nakikita ang mukha niya.

"Sandali." Dinutdot ko sa dibdib ng katrabaho ko ang hawak kong dalawang bote ng coke na agad niya namang sinalo nang bitawan ko. Malalaki ang hakbang na lumakad ako palabas ng store. "Jah!"

He didn't respond at pinasok lang ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng hoodie niya. Maraming pumapasok kaya hinawakan ko siya sa braso at saka hinila papuntang parking area ng store.

"Napaaga ka yata," sabi ko kaagad pagkahinto namin. "Wala pang alas singko, ah?"

He shrugged. "Better than ma-late."

Natawa na lang ako. "May fifteen minutes pa bago matapos ang shift ko rito."

"I can wait," maagap niyang sabi. Napakurap ako ng isang beses. Magsasalita na sana ako pero dinugtungan niya agad ang sinabi niya. "Nandito naman ang kotse ko. Hihintayin kita ro'n."

Napatango na lang ako. Nagpaalam na ako sa kaniyang babalik na ako sa trabaho dahil baka pagalitan na ako ng manager namin. Nang pumayag siya, bumalik naman kaagad ako sa trabaho.

Ang dapat na fifteen minutes lang bago matapos ang shift ko, nadagdagan at naging thirty minutes dahil nakukulangan sa staff. 'Buti na lang nagsidatingan na ang mga magsisimula ng night shift.

Patakbo akong lumapit sa kotse ni Justin. Tinuro niya sa akin kanina ang direksyon ng kotse niya. Pagkalapit ko sa kotse, nakasarado lahat kaya kumatok ako sa bintana. Nang walang sumagot, sumilip na ako. Nakita kong gumalaw siya sa loob at umatras kaagad ako nang makitang bubuksan niya ang pinto ng kotse.

He squinted his eyes at pinilit pang hindi humikab. Nakatulog pala siya kakahintay sa 'kin.

"Sorry," sabi ko kaagad. "Natagalan ako kasi busy sa store."

He smiled softly. "Ayos lang." Medyo garalgal pa ang kaniyang boses dahil bagong gising.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sumakay na kaagad sa loob. Gusto niya pa sanang sa passenger seat ako pero sa likod na ako nakasakay at hindi na ako lilipat. Hindi na siya nakipagtalo at umalis na lang kaagad kami dahil baka maabutan pa kami ng mga marites at baka ma-post pa siya sa social media.

Makalipas lang ang ilang minuto, nakarating na kami sa tapat ng boutique. May mga tao sa loob na kausap iyong babaeng may-ari ng boutique pero nang napabaling siya sa amin ng tingin, kaagad siyang ngumiti at kinawayan kami.

"Tara." Inabot ni Justin ang kaniyang kamay sa akin na kaagad ko namang tinanggap. Sabay na kaming pumasok sa loob.

"Hello, hello!" bati kaagad sa amin ng ginang. She clasped her hands together. "Are you here for the gown and suit?"

Tumango naman kaagad si Justin. Silang dalawa na lang ang nag-usap tungkol sa iba pang bagay tungkol sa gown at suit na pinatahi ni Justin para sa amin. Nakabuntot lang ako sa kanila at nakikinig. Pumasok kami sa isang kwarto na sa tingin ko ay nasa dulo na ng boutique.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now